14 Talata sa Bibliya tungkol sa Katigasan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.
Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
Na ang kanilang mga pana ay hasa, at lahat nilang busog ay nangakaakma; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato, at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo:
Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo.
Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.
At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa.
Mga Paksa sa Katigasan
Kahihinatnan ng Katigasan ng Loob
Kawikaan 29:1Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.
Katigasan
Mga Bilang 14:40-45At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.
Katigasan laban sa Diyos
Exodo 32:9-10At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo;
Katigasan, Bunga ng
Mga Taga-Efeso 4:18Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
Pag-Iwas sa Katigasan ng Ulo
Deuteronomio 10:16Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.