9 Talata sa Bibliya tungkol sa Katiyakan sa Pananampalataya kay Cristo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya.
Dahil dito'y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y hindi ako nahihiya; sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.
Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
At ninanasa namin na ang bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,
Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
Mga Katulad na Paksa
- Agape na Pagibig
- Bunga ng Katuwiran
- Diyos, Pagibig ng
- Kakaibhan ng Katuwiran
- Kaparusahan
- Katapangan
- Katiyakan
- Katiyakan sa Buhay Pananampalataya
- Minamahal
- Pagibig sa Kapwa, Katibayan ng
- Pagibig, Katangian ng
- Pagkakakilala sa Kasalanan
- Pagtitiyak
- Panalangin at Pananampalataya
- Pananampalataya bilang Batayan ng Kaligtasan
- Positibong Pananaw
- Salita, Mga
- Sarili, Pagpapahalaga sa
- Tiwala
- Tunay na Pagibig
- Umiibig