52 Talata sa Bibliya tungkol sa Tiwala
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.
Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya.
At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.
Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,
Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.
Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?
At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.
Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:
Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:
Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay.
Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios;
Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Mga Paksa sa Tiwala
Bulaang Tiwala
Awit 146:3Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
Bulaang Tiwala, Halimbawa ng
Genesis 11:4At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
Labis na Tiwala sa Sarili
Josue 7:3-4At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.
Pagasa bilang Tiwala
Awit 71:5Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
Pagiging Tiwala ang Loob
Mga Taga-Filipos 1:6Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:
Pagkakaibigan at Tiwala
Mikas 7:5Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
Pananampalataya at Tiwala
Jeremias 17:7Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.
Sarili, Tiwala sa
Isaias 28:15Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,
Tiwala at Tingin sa Sarili
2 Corinto 3:4At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
Tiwala kay Cristo
Mga Taga-Roma 8:38-39Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
Tiwala ng mga Kristyano
1 Juan 3:21Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
Tiwala sa Diyos, Nagaalis ng Takot
Awit 46:1-2Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.
Tiwala sa Diyos, Nagbubunga ng Katapangan
Isaias 41:10Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Tiwala sa Panawagan ng Diyos
Mga Taga-Roma 8:33Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap;
Tiwala sa Relasyon
Mikas 7:5Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
Tiwala sa Salita ng Diyos
Josue 23:14At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
Tiwala, Batayan ng
Mga Gawa 27:22-25At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob; sapagka't walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang daong lamang.
Tiwala, Kahalagahan ng
Exodo 14:31At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
Tiwala, Kakulangan ng
Jeremias 2:13Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.
Tiwala, Mula sa Espiritu Santo
Mga Taga-Roma 8:16Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
Tiwala, Pinagtaksilang
Josue 9:3-15Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
Walang Tiwala
Genesis 50:15-17At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama'y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya.
Mga Katulad na Paksa
- Banal na Katapangan
- Eklipse
- Katapangan
- Katapangan
- Katiyakan sa Buhay Pananampalataya
- Nagtitiwala sa Diyos sa Oras ng Kagipitan
- Naniniwala sa iyong Sarili
- Pagasa
- Pagasa at Pananampalataya
- Pagiging Tiwala ang Loob
- Pagkakaibigan at Tiwala
- Pagtitiwala sa Iba
- Pagtitiwala sa Ibang Tao
- Pagtitiyak
- Pananampalataya at Tiwala
- Pananampalataya sa Diyos
- Pinuno, Mga
- Positibong Pananaw
- Sarili, Dangal ng
- Sarili, Pagpapahalaga sa
- Tinatapos
- Tiwala at Tingin sa Sarili
- Tiwala ng mga Kristyano
- Tsismis