37 Talata sa Bibliya tungkol sa Levita
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel: Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.magbasa pa.
At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin. At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo. Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
Kung magkagayon, ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento: ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisulong, na bawa't lalake ay sa kanikaniyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat.
Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.
At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay ang tabernakulo, at ang Tolda, ang takip niyaon at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, At ang mga tabing ng looban at ang tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.
Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin: Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan; At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod.magbasa pa.
Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin.
At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban, at ang dulang, at ang kandelero, at ang mga dambana, at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.
Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan: Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo: At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.magbasa pa.
At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon. At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga. At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan: At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan. At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon: At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan. At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube. At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon. At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan. At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon. At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita. Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin: Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay.
At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon; At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.
Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang; Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan. At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;magbasa pa.
At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin. Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya. At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.magbasa pa.
At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo. At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel. At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.
At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote. At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo. At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.magbasa pa.
At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo. At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel. At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila. At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila.
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila. At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.magbasa pa.
Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan. At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel: At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita: At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon. At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita. At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon. Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin. At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.
At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon.
At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.
At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at binuhat ng mga saserdote ang kaban. At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita. At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon; at pinasan ng mga Levita ang kaban; At kanilang iniahon ang kaban, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda; ang mga ito'y iniahon ng mga saserdote na mga Levita. At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel, na nangakipagpulong sa kaniya, ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka, na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at ipinaglagay roon ng isang tolda. Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man. At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.magbasa pa.
At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita: Sa mga anak ni Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu; Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu; Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu; Sa mga anak ni Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan: Sa mga anak ni Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu; Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa. At ipinatawag ni David si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab, At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan. Sapagka't dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos. Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga niyaon, gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon. At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita. At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo. Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom:magbasa pa.
At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri. At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.
At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, pagkatapos na maipagpahinga ang kaban. At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili. At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;magbasa pa.
Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa; Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai; Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias; Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core; Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel. At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima; Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias; Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia; Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi; Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi. At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch; Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias; Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer; Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi. At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios. Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.
At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel: Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas; At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.
Ang mga ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda. Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man: At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.magbasa pa.
Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda. Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios; Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal; At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon; At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon: At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod. Sa mga anak ni Asaph: si Zachur, at si Jose, at si Methanias, at si Asareela, na mga anak ni Asaph; sa ilalim ng kapangyarihan ni Asaph na siyang pumuri ayon sa utos ng hari. Kay Jeduthun: ang mga anak ni Jeduthun; si Gedalias, at si Sesi, at si Jesaias, si Hasabias, at si Mathithias, anim; sa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama na si Jeduthun na may alpa, na siyang pumuri na may pagpapasalamat at pagpapaunlak sa Panginoon.magbasa pa.
Kay Heman: ang mga anak ni Heman: si Buccia, at si Mathania, si Uzziel, si Sebuel, at si Jerimoth, si Hananias, si Hanani, si Eliatha, si Gidalthi, at si Romamti-ezer, si Josbecasa, si Mallothi, si Othir, si Mahazioth: Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae. Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman. At ang bilang nila, pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon, lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu't walo. At sila'y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan, silang lahat na parapara, kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki, ang guro na gaya ng mga alagad. Ang una ngang kapalaran ay kay Asaph na nahulog kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kaniyang mga kapatid at mga anak ay labing dalawa: Ang ikatlo ay kay Zachur, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikaapat ay kay Isri, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalima ay kay Nethanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikaanim ay kay Buccia, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikapito ay kay Jesarela, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikawalo ay kay Jesahias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikasiyam ay kay Mathanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikasangpu ay kay Simi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing isa ay kay Azareel, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa. Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa. Ang ikalabing tatlo ay kay Subael, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing apat ay kay Mathithias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing walo ay kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
Siya'y nagbukas sa unang taon ng kaniyang paghahari, na unang buwan, ng mga pinto ng bahay ng Panginoon, at mga hinusay. At kaniyang ipinasok ang mga saserdote at mga Levita, at pinisan sila sa maluwang na dako sa silanganan, At sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga Levita; ngayo'y mangagpakabanal kayo, at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal.magbasa pa.
Sapagka't ang ating mga magulang ay nagsisalangsang, at nagsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Dios, at pinabayaan siya, at itinalikod ang kanilang mga mukha sa tahanan ng Panginoon, at nagsitalikod. Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko, at pinatay ang mga ilawan, at hindi nagsipagsunog ng kamangyan ni nagsipaghandog man ng mga handog na susunugin sa dakong banal sa Dios ng Israel. Kaya't ang pagiinit ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem, at ibinigay niya sila upang hamakin saa't saan man, upang maging katigilan, at kasutsutan, gaya ng inyong nakikita ng inyong mga mata. Sapagka't narito, ang ating mga magulang ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang ating mga anak na lalake at babae at ang ating mga asawa ay nangasa pagkabihag dahil dito. Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon, sa Dios ng Israel, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin. Mga anak ko, huwag kayong mangagpabaya: sapagka't pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya, upang magsipangasiwa sa kaniya, at kayo'y maging kaniyang mga tagapangasiwa, at mangagsunog kayo ng kamangyan. Nang magkagayo'y nagsitindig ang mga Levita, si Mahath na anak ni Amasai, at si Joel na anak ni Azarias sa mga anak ng mga Coathita: at sa mga anak ni Merari, si Cis na anak ni Abdi, at si Azarias na anak ni Jehaleleel: at sa mga Gersonita, si Joah na anak ni Zimma, at si Eden na anak ni Joah: At sa mga anak ni Elisaphan, si Simri, at si Jehiel: at sa mga anak ni Asaph, si Zacharias at si Mathanias: At sa mga anak ni Heman, si Jehiel at si Simi: at sa mga anak ni Jeduthun, si Semeias at si Uzziel. At pinisan nila ang kanilang mga kapatid, at nangagpakabanal, at nagsipasok ayon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon, upang linisin ang bahay ng Panginoon. At ang mga saserdote ay nagsipasok sa pinakaloob ng bahay ng Panginoon, upang linisin, at inilabas ang lahat na dumi na kanilang nasumpungan sa templo ng Panginoon. At kinuha ng mga Levita upang ilabas sa batis ng Cedron. Sila nga'y nagpasimula na mangagpakabanal nang unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw ng buwan ay nagsiparoon sila sa portiko ng Panginoon; at kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa walong araw; at sa ikalabing anim na araw ng unang buwan ay kanilang niwakasan. Nang magkagayo'y kanilang pinasok si Ezechias na hari, sa loob ng palasio, at kanilang sinabi, Aming nilinis ang buong bahay ng Panginoon, at ang dambana ng handog na susunugin, pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at ang dulang ng tinapay na handog, pati ng lahat na kasangkapan niyaon. Bukod dito'y lahat na kasangkapan, na inihagis ng haring Achaz sa kaniyang paghahari, nang siya'y sumalangsang, aming inihanda at itinalaga, at, narito, nangasa harap ng dambana ng Panginoon. Nang magkagayo'y si Ezechias na hari ay bumangong maaga, at pinisan ang mga prinsipe ng bayan, at sumampa sa bahay ng Panginoon. At sila'y nagsipagdala ng pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siya'y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon. Sa gayo'y kanilang pinatay ang mga baka, at tinanggap ng mga saserdote ang dugo, at iniwisik sa dambana: at kanilang pinatay ang mga tupa, at iwinisik ang dugo sa ibabaw ng dambana: pinatay rin nila ang mga kordero, at iniwisik ang dugo sa ibabaw ng dambana. At kanilang inilapit ang mga kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan sa harap ng hari at ng kapisanan; at ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon: At mga pinatay ng mga saserdote, at sila'y nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana, upang itubos sa buong Israel: sapagka't iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel. At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo, may mga salterio, at may mga alpa, ayon sa utos ni David, at ni Gad na tagakita ng hari, at ni Nathan na propeta: sapagka't ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta. At ang mga Levita ay nagsitayo na may mga panugtog ni David, at ang mga saserdote na may mga pakakak. At si Ezechias ay nagutos na maghandog ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. At nang ang handog na susunugin ay pasimulan, ang awit sa Panginoon ay pinasimulan naman, at ang mga pakakak, pati ang mga panugtog ni David na hari sa Israel. At ang buong kapisanan ay sumamba, at ang mga mangaawit ay nagsiawit, at ang mga manghihihip ng pakakak ay nangagpatunog; lahat ng ito ay ipinagpatuloy hanggang sa ang handog na susunugin ay natapos. At nang sila'y makatapos ng paghahandog ang hari at ang lahat na nakaharap na kasama niya ay nagsiyukod at nagsisamba. Bukod dito'y iniutos ni Ezechias na hari at ng mga prinsipe sa mga Levita na magsiawit ng mga pagpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ni David, at ni Asaph na tagakita. At sila'y nagsiawit ng mga pagpuri na may kasayahan, at kanilang itinungo ang kanilang mga ulo at nagsisamba. Nang magkagayo'y sumagot si Ezechias na nagsabi, Ngayo'y nagsitalaga kayo sa Panginoon, kayo'y magsilapit at mangagdala ng mga hain at mga handog na pasalamat sa bahay ng Panginoon: At nagdala ng mga hain at ng mga handog na pasalamat ang kapisanan; at lahat ng may kusang kalooban ay nagsipagdala ng mga handog na susunugin. At ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapisanan, pitongpung baka, isang daang tupang lalake, dalawang daang kordero: lahat ng mga ito ay pinakahandog na susunugin sa Panginoon. At ang mga bagay na itinalaga ay anim na raang baka at tatlong libong tupa. Nguni't ang mga saserdote ay naging kakaunti, na anopa't hindi nila malapnusan ang lahat na handog na susunugin kaya't tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita, hanggang sa natapos ang gawain, at hanggang sa nangagpakabanal ang mga saserdote; sapagka't ang mga Levita ay matuwid ang puso na mangagpakabanal na higit kay sa mga saserdote. At ang mga handog na susunugin naman ay sagana, pati ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at pati ang mga handog na inumin na ukol sa bawa't handog na susunugin. Sa gayo'y ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay naayos. At si Ezechias ay nagalak, at ang buong bayan, dahil sa inihanda ng Dios ang bayan: sapagka't ang bagay ay biglang nagawa.
At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua, sa ikalabing apat na araw ng unang buwan. At inilagay niya ang mga saserdote sa kanilang mga katungkulan, at pinatapang sila sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. At sinabi niya sa mga Levita na nangagturo sa buong Israel, na mga banal sa Panginoon, Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel; hindi na magkakaroon pa ng pasan sa inyong mga balikat. Maglingkod kayo ngayon sa Panginoon ninyong Dios, at sa kaniyang bayang Israel;magbasa pa.
At magsihanda kayo ayon sa mga sangbahayan ng inyong mga magulang ayon sa inyong mga bahagi, ayon sa sulat ni David na hari sa Israel, at ayon sa sulat ni Salomon sa kaniyang anak. At magsitayo kayo sa dakong banal ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng inyong mga kapatid na mga anak ng bayan, at maukol sa bawa't isa'y isang bahagi ng sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita. At patayin ninyo ang kordero ng paskua, at mangagpakabanal kayo, at ihanda ninyo sa inyong mga kapatid, upang magsigawa ng ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan. At sila'y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel. At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises.
Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia. Ang mga anak ni Levi, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ay nangasulat sa aklat ng mga alaala, hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib. At ang mga pinuno ng mga Levita: si Hasabias, si Serabias, si Jesua na anak ni Cadmiel, na may mga kapatid na nangasa tapat nila upang magsipuri at nangagpasalamat, ayon sa utos ni David na lalake ng Dios, sa pulutong at pulutong.magbasa pa.
Si Mathanias, at si Bucbucias, si Obadias, si Mesullam, si Talmon, si Accub, ay mga tagatanod-pinto, na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan. Ang mga ito'y sa mga kaarawan ni Joiacim, na anak ni Jesua, na anak ni Josadac, at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala, at ng saserdoteng Ezra na kalihim.
Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan. Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila. Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.magbasa pa.
At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa. Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.
Mga Paksa sa Levita
Ang Ikapu para sa Levita
Deuteronomio 26:12-13Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;
Binibilang na mga Levita
Mga Bilang 1:47Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
Contagem de Levitas
Mga Bilang 1:47Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
Faixas etárias dos levitas
Mga Bilang 3:15Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo.
O Pacto de Deus com os Levitas
Mga Bilang 18:19Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
Pagitan sa Gulang ng mga Levita
Mga Bilang 3:15Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo.
Tipan ng Diyos sa mga Levita
Mga Bilang 18:19Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.