8 Bible Verses about Mata sa Mata

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Matthew 5:38

Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:

Exodus 21:24

Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,

Leviticus 24:19-22

At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya; Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya. At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin.magbasa pa.
Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

Leviticus 24:17

At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala;

Deuteronomy 19:21

At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.

Romans 12:17-19

Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Proverbs 20:22

Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.

Exodus 21:22-25

At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom. Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay, Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,magbasa pa.
Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a