76 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagibig, Katangian ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Juan 4:7-8

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig.

Exodo 34:6

At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;

2 Paralipomeno 6:42

Oh Panginoon, Dios, huwag mong papihitin ang mukha ng iyong pinahiran ng langis: alalahanin mo ang iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod.

Awit 6:4

Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.

Awit 51:1

Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.

Awit 107:43

Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

Isaias 54:10

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Isaias 63:7

Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoKatubusanMalamigPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoPagiging Ganap na KristyanoKinatawanKamanghamanghang DiyosPagiging LiwanagSanggol na si JesusPagiging ManlalakbayGawa ng KabutihanNagbibigay KaaliwanPagiging Ipinanganak na MuliDiyos, Paghihirap ngPananampalataya, Kalikasan ngCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaPagkakaalam na Ako ay LigtasPagibig bilang Bunga ng EspirituPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPagibigInialay na mga BataBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaKakayahan ng Diyos na MagligtasSawing-PusoPuso ng DiyosPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanUnang PagibigPagaalay ng mga Panganay na AnakNatatangiKaloob, MgaPagpapala, Espirituwal naWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngHindi NamamatayKaligtasan bilang KaloobBiyaya at si Jesu-CristoMga GawainMapagbigay, Diyos naPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngAraw, Paglubog ngKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naAdan, Mga Lahi niUgali ng Diyos sa mga TaoWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaNagliligtas na PananampalatayaMisyon ni Jesu-CristoPaskoPagiging PinagpalaEspirituwal na KamatayanMalapadPakikipaglaban sa KamatayanDiyos, Pagibig ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosBugtong na Anak ng DiyosPagasa para sa Di-MananampalatayaWalang Hanggang KatiyakanMinsang Ligtas, Laging LigtasJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanPagiging PagpapalaTirintasCristo, Relasyon Niya sa DiyosPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Taga-Roma 8:39

Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Juan 21:15

Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.

Mga Taga-Roma 8:28
Mga Konsepto ng TaludtodLayuninPlano ng DiyosDiyos, Plano ngNagtitiwala sa Plano ng DiyosNagtratrabaho ng MagkasamaLahat ng Bagay ay Nangyayari na may DahilanNagtratrabaho para sa DiyosNagtratrabahoMagigingPagsasagawa ng MahusayBuhay na may LayuninLahat ng BagayPagkakaalam sa DiyosDiyos na Ginawang Mabuti ang MasamaPlano ng Diyos Para Sa AtinNagtratrabaho para sa PanginoonAyon sa Kanyang KaloobanNagbibigay KaaliwanKahirapanKamanghamanghang DiyosPagiging TakotPagiging tulad ni CristoPagkabalisaPinagtaksilanPagiging Alam ang LahatMasamang PananalitaMalamigPagiging HinirangPagiging KristyanoMasamang ImpluwensiyaPinabayaanPagiging Tiwala ang LoobProbidensyaPangako sa mga Nahihirapan, MgaTagumpay bilang Gawa ng DiyosKabutihan bilang Bunga ng EspirituPagkabalisa, Pagtagumpayan angPanahon ng Buhay, MgaPagiging Ganap na KristyanoKaaliwan sa KapighatianPaglalaan at Pamamahala ng DiyosAksidenteDiyos, Panukala ngBanal na Agapay, Ibinigay ngTadhanaDiyos, Kabutihan ngDiyos na Gumagawa ng MabutiKinatawanProbidensya ng Diyos sa mga PangyayariPagkilala sa DiyosPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naKahirapan na Nagtapos sa MabutiKaaliwan kapag PinanghihinaanPagkakamali, MgaKalakasan, MakaDiyos naMasakit na PaghihiwalayProblema, Pagsagot saPagtanggap ng TuroMagandaKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saMasama, Tagumpay laban saPagibig sa DiyosPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKaisipan, Kalusugan ngTiwala sa Panawagan ng DiyosPagibig para sa Diyos, Bunga ngMasamang mga Bagay

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

1 Pedro 1:8

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

1 Corinto 16:24

Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

2 Corinto 8:8

Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.

2 Pedro 2:13

Na nangagbabata ng masama na kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw, mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw sa kanilang mga daya, samantalang sila'y nangakikipagpiging sa inyo;

Lucas 11:43

Sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.

1 Corinto 13:4-8

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;magbasa pa.
Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

1 Juan 3:17-18

Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.

Mga Taga-Roma 14:15

Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo.

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayUriPagpatay ng Sariling LayawPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPagkamatay kasama ni CristoSarili, Paglimot saPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoSumusukoDiyos, Ipinaubaya ngPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPatay sa KasalananJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhayKasalanan, Pagiwas saPagpako kay Jesu-CristoPagtanggap kay CristoPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niWalang Hanggang Buhay, Karanasan saHindi KamunduhanCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Tugo ng Diyos saDiyos, Pagkakaisa ngPananatili kay CristoHindi AkoJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagiging Ganap na KristyanoPagiisaKatubusanMalusog na Buhay may AsawaBuhay na Karapatdapat IpamuhayKapalitBuhay PananampalatayaKinatawanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngKahulugan ng PagkabuhayPagdidisipulo, Halaga ngKamatayan sa SariliTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

1 Juan 5:2-3

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Mateo 22:37-39

At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Marcos 12:29-31

Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo. Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.

Mga Taga-Roma 13:9-10

Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili. Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Mga Taga-Efeso 3:17-19

Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a