7 Talata sa Bibliya tungkol sa Pinahiran, Si Cristo ang Dakilang
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, na siya mong pinahiran, ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato, kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan,
Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Espiritu ng Panginoon
- Banal na Espiritu, Paglalarawan sa
- Cristo, Katangian ni
- Cristo, Mga Pangalan ni
- Diyos, Kagalakan ng
- Kagalingan ng Sugatang Puso
- Kahirapan, Kaaliwan sa Oras ng
- Kahirapan, Sagot sa
- Kalayaan
- Kapangyarihan ng Tao
- Katuwiran ni Cristo
- Messias, Propesiya tungkol sa
- Pagbuti
- Paghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing may
- Pagkabihag, Talinghaga ng
- Pagkabulag, Pagpapagaling sa
- Pagkamuhi
- Pagkamuhi sa Kasamaan
- Pagpahid na Langis
- Pagsagip
- Pampahid na Langis
- Panghihina ng Loob
- Pinahiran ng Langis
- Pinahiran, Ang
- Propesiya Tungkol kay Cristo
- Puso, Sugatang
- Sagisag, Mga
- Sawing-Puso
- Sugatang Puso
- Tulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng Loob