Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
New American Standard Bible
Now it happened that while he was performing his priestly service before God in the appointed order of his division,
Mga Paksa
Mga Halintulad
1 Paralipomeno 24:19
Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
2 Paralipomeno 8:14
At siya'y naghalal, ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod, at ng mga Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri, at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote, ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa't araw: ang mga tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa't pintuang-daan: sapagka't gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios.
2 Paralipomeno 31:2
At inihalal ni Ezechias ang mga bahagi ng mga saserdote, at ng mga Levita ayon sa kanilang pagkakabahagi, bawa't lalake ay ayon sa kaniyang katungkulan, ang mga saserdote at gayon din ang mga Levita, na ukol sa mga handog na susunugin at sa mga handog tungkol sa kapayapaan, upang magsipangasiwa, at upang mangagpasalamat, at upang mangagpuri sa mga pintuang-daan ng hantungan ng Panginoon.
Lucas 1:5
Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet.
Exodo 28:1
At ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya, mula sa gitna ng mga anak ni Israel, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, si Aaron, si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar, na mga anak ni Aaron.
Exodo 28:41
At iyong isusuot kay Aarong iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya; at iyong papahiran ng langis sila, at iyong itatalaga sila, at iyong papagbanalin sila, upang sila'y makapangasiwa sa akin, sa katungkulang saserdote.
Exodo 29:1
At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
Exodo 29:9
At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
Exodo 29:44
At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
Exodo 30:30
At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
Mga Bilang 18:7
At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
1 Paralipomeno 24:2
Nguni't si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.
2 Paralipomeno 11:14
Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;
2 Paralipomeno 31:19
Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote, na nangasa bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan, sa bawa't iba't ibang bayan, may mga lalake na nasaysay sa pangalan, upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote, at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita.
Ezra 6:18
At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
7 At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon. 8 Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong, 9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan.