Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
New American Standard Bible
"He breaks me down on every side, and I am gone; And He has uprooted my hope like a tree.
Mga Halintulad
Job 24:20
Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
Job 1:13-19
At nangyari isang araw, nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay.
Job 2:7
Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.
Job 6:11
Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
Job 7:6
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
Job 8:13-18
Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
Job 12:14
Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
Job 17:11
Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
Job 17:15
Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
Awit 37:35-36
Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
Awit 88:13-18
Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
Awit 102:11
Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo.
Panaghoy 2:5-6
Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
2 Corinto 4:8-9
Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
9 Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo. 10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy. 11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,