Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 19

1 Mga Hari Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodEspada, MgaPagpatay sa mga PropetaNagsasabi tungkol sa Ginawa ng mga TaoPropeta ng mga Diyus-diyusan, MgaJesebel

At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias, at kung paanong kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta.

16
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikPagibig, at ang MundoPaggalang sa SangkatauhanWalang Tanong-Tanong na PaglilingkodPaghiwalay sa mga MagulangTauhang Nagsisipagtakbuhan, MgaMabuting Pamamaalam

At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka't ano ang ginawa ko sa iyo?

26
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalPamatokNagpapakain, GrupongPanggatongMga Taong Sumusunod sa mga TaoPagsasakaMga Tulay

At siya'y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo'y tumindig siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod sa kaniya.

435
Mga Konsepto ng TaludtodNaparaanHanginBanal na Espiritu, Paglalarawan saBagyo, MgaWalang Hangin

At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:

470
Mga Konsepto ng TaludtodPinahiran ng Langis, Mga Hari naPagpapalit ng mga PinunoGinawang mga Hari

At si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo.

471
Mga Konsepto ng TaludtodMagsasaka, MgaBalabalTinatakpan ang KatawanPamatokPagbubungkalNag-aararoPanlabas na KasuotanTagapagararoLabing Dalawang Hayop

Sa gayo'y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya'y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang balabal niya.

475
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KaibiganKatapatan, Halimbawa ngTalikuran ang DiyosPagmamalabisMapagalinlangan, MgaKalungkutan, Sintomas ngDiyos, Sigasig ngPagiisaPagkamartir, Halimbawa ngPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanPagtanggi sa DiyosMakasariliSarili, Pagkaawa saSundalo, MgaMasamang PanahonPagkawasak ng mga TemploPagpatay sa mga PropetaTalikuran ang mga Bagay ng DiyosKaisa-isahang NakaligtasIsang Tao LamangPaglabag sa Tipan

At sinabi niya, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin.

479
Mga Konsepto ng TaludtodYungibMga Taong nasa KuwebaAnong Iyong Ginagawa?Yungib bilang Taguang Lugar

At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

482
Mga Konsepto ng TaludtodPagkaunsami, Halimbawa ngPagasa, Bunga ng KawalangPaglalakbayPangkalahatan ng KamatayanPagiisaPanalangin bilang Paghingi sa DiyosPanalangin, Pagaalinlangan Tungkol saSarili, Pagkaawa saNauupoPuno, MgaReklamoWalang Dunong na PanalanginHangarin na MamataySukat ng Ibang mga BagayPansamantalang Pagtigil sa IlangKamatayanKalungkutan

Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.

486
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngAng Bilang ApatnapuApatnapung ArawHigit sa Isang BuwanPagaayuno sa Mahabang Panahon

At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios.

490
Mga Konsepto ng TaludtodDisyerto, EspisipikongBanal na PangungunaPinahiran ng Langis, Mga Hari naGinawang mga HariSiryaDamascus

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria.

491
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang HalikBulaang Diyus-diyusanKatapatan, Halimbawa ngPaghalikNalabiPitong LiboPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanNakaligtas sa Israel, Mga

Gayon ma'y iiwan ko'y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya.

494
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangSugoPag-uusig, Katangian ngPropeta, Buhay ng mgaPaghihiganti, Halimbawa ngTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanPagpatay sa mga PropetaJesebel

Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.

504
Mga Konsepto ng TaludtodKahinahunanApoyTalumpati ng DiyosPayo, Pagtanggap sa Payo ng DiyosKatahimikanPagpapakita ng Diyos sa ApoyDiyos, Tinig ngBagyo, Mga

At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig.

525
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog, Pisikal naHipuinMga Taong KumakainAnghel, Hinahanap ang mga Tao ng mgaKalungkutanPaglulutoJesebel

At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain.

533
Mga Konsepto ng TaludtodTakot na UsiginKalungkutanJesebelSimbuyo ng Damdamin

At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.

563
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngPagkamasigasigPropeta, Buhay ng mgaPagtanggi sa DiyosPagkawasak ng mga TemploPagpatay sa mga PropetaTalikuran ang mga Bagay ng DiyosKaisa-isahang NakaligtasIsang Tao LamangPaglabag sa Tipan

At kaniyang sinabi, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko, upang kitlin.

574
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalBalabalPanlabas na KasuotanAnong Iyong Ginagawa?

At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

644
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas mula sa Taung-BayanPagpatay na Mangyayari

At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.

646
Mga Konsepto ng TaludtodPagluluto sa HurnoMainitUling, Gamit ngBanal na PagtustosTubig, Lalagyan ngPagluluto ng TinapayPagluluto

At siya'y tumingin, at, narito, na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga, at isang sarong tubig. At siya'y kumain at uminom, at nahiga uli.

683
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Tulong ng mgaPagsasagawa ng Dalawang UlitMga Taong KumakainHawakan ang KamayAnghel, Hinahanap ang mga Tao ng mga

At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka't ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo.