Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 20

1 Mga Hari Rango:

49
Mga Konsepto ng TaludtodKalugihanSinisirang mga Karwahe

At ang hari sa Israel ay lumabas, at sinaktan ang mga kabayo at mga karo, at pinatay ang mga taga Siria ng malaking pagpatay.

101
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPagpapahayag ng PropesiyaKalakasan ng mga TaoHindi Pinangalanang mga Propeta ng PanginoonMagpakalakas!Panahon ng TaonSirya

At ang propeta ay lumapit sa hari sa Israel, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magpakalakas ka, at iyong tandaan, at tingnan mo kung ano ang iyong ginagawa; sapagka't sa pagpihit ng taon ay aahon ang hari sa Siria laban sa iyo.

239
Mga Konsepto ng TaludtodBatisSinasalakayBansang mga Sumalakay sa Israel, MgaPanahon ng Taon

At nangyari, sa pagpihit ng taon, na hinusay ni Ben-adad ang mga taga Siria at umahon sa Aphec upang lumaban sa Israel.

256
Mga Konsepto ng TaludtodRelihiyonPamahiinNaglilingkod sa Sariling Diyus-diyusanSirya

At sinabi ng mga lingkod ng hari sa Siria sa kaniya, Ang kanilang dios ay dios sa mga burol; kaya't sila'y nagsipanaig sa atin: nguni't magsilaban tayo laban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila.

327
Mga Konsepto ng TaludtodAnak ng mga Propeta, Mga

At isang lalake sa mga anak ng mga propeta ay nagsabi sa kaniyang kasama sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At tumanggi ang lalake na saktan niya.

392
Mga Konsepto ng TaludtodPamahiinKawalang Katapatan sa DiyosHindi Pinangalanang mga Propeta ng PanginoonTao ng DiyosYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At isang lalake ng Dios ay lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't sinabi ng mga taga Siria, Ang Panginoon ay dios sa mga burol, nguni't hindi siya dios sa mga libis: kaya't aking ibibigay ang buong malaking karamihang ito sa iyong kamay, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

406
Mga Konsepto ng TaludtodPader, MgaDalawangpung Libo at Higit PaMga Taong TumatakasPribadong mga Silid

Nguni't ang nangatira ay nagsitakas sa Aphec sa loob ng bayan; at ang kuta ay nabuwal sa dalawang pu't pitong libong lalake na nangatira. At si Ben-adad ay tumakas at pumasok sa bayan, sa isang silid na pinakaloob.

451

Nang magkagayo'y nakasumpong siya ng isang lalake, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At sinaktan siya ng lalake, na sinaktan at sinugatan siya.

456
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalit ng mga Pinuno

At gawin mo ang bagay na ito; alisin mo ang mga hari sa kanikaniyang kalagayan, at maglagay ka ng mga punong kawal na kahalili nila:

459
Mga Konsepto ng TaludtodMagaliting mga Tao

At ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay na yamot at lunos at, naparoon sa Samaria.

465
Mga Konsepto ng TaludtodLeon, MgaHayop, Pinapatay na mgaPanganib mula sa mga LeonPagsuway

Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, narito, pagkahiwalay mo sa akin, ay papatayin ka ng isang leon. At pagkahiwalay niya sa kaniya, ay nasumpungan siya ng isang leon, at pinatay siya.

472
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaSinasalakayKarwaheKabayo, MgaPagkubkob, MgaTatlumpu, IlangBansang mga Sumalakay sa Israel, MgaSirya

At pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria ang buong hukbo niya: at may tatlong pu't dalawang hari na kasama siya, at mga kabayo, at mga karo: at siya'y umahon at kinubkob ang Samaria, at nilabanan yaon.

496
Mga Konsepto ng TaludtodMaraming mga KalabanPagiging MaliitDalawang PangkatIlang Tao

At ang mga anak ng Israel ay nangaghusay rin, at nangagbaon, at nagsiyaon laban sa kanila: at ang mga anak ng Israel ay humantong sa harap nila na wari dalawang munting kawang anak ng kambing; nguni't linaganapan ng mga taga Siria ang lupain.

497

At bumilang ka sa iyo ng isang hukbo, na gaya ng hukbo na iyong ipinahamak, kabayo kung kabayo, at karo kung karo: at tayo'y magsisilaban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila. At kaniyang dininig ang kanilang tinig at ginawang gayon.

540
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saKasunduan, Legal naTipan, Tagapaglabag ngKatapatan sa Pakikitungo sa TaoPalengkePagsasauliKalakalKasunduanLungsod sa Israel

At sinabi ni Ben-adad sa kaniya, Ang mga bayan na sinakop ng aking ama sa iyong ama ay aking isasauli; at ikaw ay gagawa sa ganang iyo ng mga lansangan sa Damasco, gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria. At ako, sabi ni Achab, payayaunin kita sa tipang ito. Sa gayo'y nakipagtipan siya sa kaniya, at pinayaon niya siya.

554
Mga Konsepto ng TaludtodLubidSako at AboMga Taong Nagpapakita ng HabagLagay ng Loob

At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Narito, ngayon, aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari: isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang, at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel: marahil, kaniyang ililigtas ang iyong buhay.

577
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan, Batayan ngMaraming mga KalabanPagkakakilala sa DiyosPropeta, Gampanin ng mgaHindi Pinangalanang mga Propeta ng PanginoonTalaan ng mga Hari ng IsraelYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At, narito, isang propeta ay lumapit kay Achab na hari sa Israel, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Nakita mo ba ang lubhang karamihang ito? narito, aking ibibigay sa iyong kamay sa araw na ito; at iyong makikilala na ako ang Panginoon.

594
Mga Konsepto ng TaludtodBaywangKamag-Anak, MgaNamumuhay ng Patuloy

Sa gayo'y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong ako'y mabuhay. At sinabi niya, Siya ba'y buhay pa? siya'y aking kapatid.

614
Mga Konsepto ng TaludtodKarwahe

Minatyagan ngang maingat ng mga lalake, at nagsipagmadaling hinuli kung sa ano nandoon ang kaniyang pagiisip: at kanilang sinabi, Ang iyong kapatid na si Ben-adad. Nang magkagayo'y sinabi niya, Kayo'y magsiyaon, dalhin ninyo siya sa akin. Nang magkagayo'y nilabas siya ni Ben-adad; at kaniyang pinasampa sa karo.

615
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangTalaan ng mga Hari ng Israel

At siya'y nagsugo ng mga sugo kay Achab na hari sa Israel, sa loob ng bayan, at sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ben-adad,

651
Mga Konsepto ng TaludtodLinggo, MgaIsangdaang Libo at Higit PaAng Ikapitong Araw ng LinggoPitong ArawAraw, IkapitongPakikipaglaban sa mga KaawayBilang ng mga Banyagang NamataySiryaPagiging Totoo

At sila'y humantong na ang isa ay tapat sa isa na pitong araw. At nagkagayon, nang sa ikapitong araw, ay sinimulan ang pagbabaka; at ang mga anak ni Israel ay nagsipatay sa mga taga Siria ng isang daang libong nangaglalakad sa isang araw.

660
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibBalutiSarili, Tiwala saMapagmataasKayabangan, Katangian ng MasamaBulaang TiwalaNagyayabang

At ang hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad.

661
Mga Konsepto ng TaludtodKahandahanMga Lasing

At nangyari, nang marinig ni Ben-adad ang pasugong ito, sa paraang siya'y umiinom, siya, at ang mga hari sa mga kulandong, na kaniyang sinabi sa kaniyang mga lingkod, Magsihanay kayo. At sila'y nagsihanay laban sa bayan.

669
Mga Konsepto ng TaludtodPoligamyaKayamanan, Masamang Gamit ngHindi Mabilang na Halaga ng PeraKumuha ng mga Pinahalong MetalPaglilipat ng mga Asawa

At ang mga sugo ay bumalik, at nagsabi, Ganito ang sinasalita ni Ben-adad na sinasabi, Ako'y tunay na nagsugo sa iyo, na nagpapasabi, Iyong ibibigay sa akin ang iyong pilak, at ang iyong ginto, at ang iyong mga asawa, at ang iyong mga anak;

685
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Gampanin ng mgaKapalitKatalagahan ng mga TaoPagkalipolPatas na HatolMga Taong Pinalaya ng mga Tao

At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't iyong pinabayaang makatanan sa iyong kamay ang lalake na aking itinalaga sa kamatayan, ang iyo ngang buhay ay papanaw na kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan ng kaniyang bayan.

687
Mga Konsepto ng TaludtodKaabalahanHindi Matagpuan Saanman

At sa paraang ang iyong lingkod ay may ginagawa rito at doon, siya'y nakaalis. At sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, Magiging ganyan ang iyong kahatulan: ikaw rin ang magpasiya.

704
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong TumatakasSirya

At pinatay ng bawa't isa ang kanikaniyang kalabang lalake; at ang mga taga Siria ay nagsitakas, at hinabol sila ng Israel; at si Ben-adad na hari sa Siria ay tumakas na nakasakay sa isang kabayo na kasama ng mga mangangabayo.

710
Mga Konsepto ng TaludtodMayayabangHindi Mabilang Gaya ng AlikabokKakapusan Maliban sa Pagkain

At si Ben-adad ay nagsugo sa kaniya, at nagsabi, Gawing gayon ng mga dios sa akin, at lalo na kung ang alabok sa Samaria ay magiging sukat na dakutin ng buong bayan na sumusunod sa akin.

729
Mga Konsepto ng TaludtodKomanderOpisyalesSino ang Gumagawa?Unang Lumaban

At sinabi ni Achab, Sa pamamagitan nino? At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan. Nang magkagayo'y sinabi niya, Sino ang magpapasimula ng pagbabaka? At siya'y sumagot, Ikaw.

737
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Mabilang na Halaga ng PeraMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayKumuha ng mga Pinahalong MetalPaglilipat ng mga Asawa

Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin: pati ng iyong mga asawa at ng iyong mga anak, ang mga pinaka mahusay, ay akin.

742
Mga Konsepto ng TaludtodPangingilin mula sa PaginomTanghaliTolda, MgaPagkalasenggo, Halimbawa ngTatlumpu, IlangMga LasingPagsasaya

At sila'y nagsialis ng katanghaliang tapat. Nguni't si Ben-adad ay umiinom na lango sa mga kulandong, siya, at ang mga hari, na tatlong pu't dalawang hari na nagsisitulong sa kaniya.

743
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoPatas na HatolBayad Bilang ParusaMay Isang NawawalaKaloob

At pagdadaan ng hari ay kaniyang sinigawan ang hari: at kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay lumabas sa gitna ng pagbabaka; at, narito, isang lalake ay lumihis, at nagdala ng isang lalake sa akin, at nagsabi, Ingatan mo ang lalaking ito: kung sa anomang paraan ay makatanan siya, ang iyo ngang buhay ang mapapalit sa kaniyang buhay, o magbabayad ka kaya ng isang talentong pilak.

750
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pagtitipon ng mga Matatanda

Nang magkagayo'y tinawag ng hari ng Israel ang lahat na matanda sa lupain, at sinabi, Isinasamo ko sa inyo na inyong tandaan at tingnan kung paanong ang taong ito'y humahanap ng pakikipagkaalit: sapagka't kaniyang ipinagbilin ang aking mga asawa, at aking mga anak, at aking pilak, at aking ginto; at hindi ko ipinahindi sa kaniya.

751

Sa gayo'y ang mga ito ay lumabas sa bayan, ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang hukbong sumusunod sa kanila.

761
Mga Konsepto ng TaludtodKalsadaNakatayoPaghihintayBalatkayoMata, Nasaktang mga

Sa gayo'y umalis ang propeta at hinintay ang hari sa daan, at nagpakunwari na may isang piring sa kaniyang mga mata.

768
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapasailalim

At ang hari ng Israel ay sumagot, at nagsabi, Ayon sa iyong sabi, panginoon ko, Oh hari; ako'y iyo, at lahat ng aking tinatangkilik.

769

Kaya't kaniyang sinabi sa mga sugo ni Ben-adad, Saysayin ninyo sa aking panginoon na hari, Ang lahat na iyong ipinasugo sa iyong lingkod ng una ay aking gagawin: nguni't ang bagay na ito ay hindi ko magagawa. At ang mga sugo ay nagsialis at nagsipagbalik ng salita sa kaniya.

773
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanGawing mga Pag-aari

Nguni't susuguin ko sa iyo kinabukasan ang aking mga lingkod; sa may ganitong panahon, at kanilang sasaliksikin ang iyong bahay, at ang mga bahay ng iyong mga lingkod, at mangyayari, na anomang maligaya sa harap ng iyong mga mata ay hahawakan nila ng kanilang kamay, at dadalhin.

775
Mga Konsepto ng TaludtodUnang Lumaban

At ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan ay nagsilabas na una; at si Ben-adad ay nagsugo, at isinaysay nila sa kaniya, na sinabi, May mga taong nagsilabas na mula sa Samaria.

776
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PagkakasundoHuwag Makinig!

At sinabi sa kaniya ng lahat na matanda at ng buong bayan, Huwag mong dinggin, o tulutan man.

781
Mga Konsepto ng TaludtodPitong LiboDalawang Daan at Ilan Pa

Nang magkagayo'y kaniyang hinusay ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at sila'y dalawang daan at tatlong pu't dalawa; at pagkatapos ay kaniyang pinisan ang buong bayan, ang lahat ng mga anak ni Israel, na may pitong libo.

786
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Mapayapang mgaHanda na sa DigmaanHabang Buhay

At kaniyang sinabi, Maging sila'y magsilabas sa ikapapayapa, ay hulihin ninyong buhay; o maging sila'y magsilabas sa pakikidigma, ay hulihin ninyong buhay.

805
Mga Konsepto ng TaludtodMata, Nasaktang mgaNakikilala ang mga TaoPagaalis ng mga Tao sa iyong Buhay

At siya'y nagmadali, at inalis niya ang piring sa kaniyang mga mata; at nakilala siya ng hari ng Israel na siya'y isa sa mga propeta.