Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 18

1 Mga Hari Rango:

10
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPaaralan ng mga PropetaHapag, MgaPagtitipon ng IsraelApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanTagasunod ni BaalPropeta ng mga Diyus-diyusan, MgaNaglilingkod kay AserahJesebel

Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel.

86
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili ng mga BagayTagasunod ni BaalPropeta ng mga Diyus-diyusan, MgaInuuna ang DiyosPaligsahanJesebel

At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.

141
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, PinagpirapirasongPanggatongPamimili ng mga BagayDalawang Hayop

Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim.

147
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamalabisKakaunting BilangApat hanggang Limang DaanKaisa-isahang NakaligtasIsang Tao LamangApat at Limang DaanTagasunod ni BaalPropeta ng mga Diyus-diyusan, MgaHindi Talagang NagiisaJesebelKalungkutan

Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake.

189
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang EspirituOrasPampatawaKabalintunaanKakutyaan, Katangian ngPagtulog, Espirituwal naKasiyasiyaPagkagambalaPagkagisingPagbibiroBakasyon

At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.

200
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianKutsilyo, MgaPutulan ng Bahagi sa KatawanPamahiinSirang AnyoNilukuban ng DugoGrupong NagsisigawanLaslas na KatawanGinugupitan

At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.

235
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosApoy na mula sa LangitDiyos, Sasagutin ngKarunungang Kumilala sa mga Bagay ng DiyosDiyos na Sumasagot ng mga PanalanginSagot, Mga

At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi.

253
Mga Konsepto ng TaludtodKulubotTimbangan at PanukatIba pang mga Panukat ng Dami

At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi.

262
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayBulaang RelihiyonGumawa hanggang GabiIba pa na Hindi SumasagotPanahon, Lumilipas na

At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig.

315
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaJacob bilang PatriarkaDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanLabing Dalawang TriboLabing Dalawang Bagay

At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.

321
Mga Konsepto ng TaludtodLumulundagSayawUmagang PagsambaUmagaRelihiyonMga Taong NagsisipagtalonIba pa na Hindi SumasagotHinduismo

At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.

396
Mga Konsepto ng TaludtodBarilesHayop, PinagpirapirasongIsinasaayosApat na SisidlanPanggatong

At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.

403
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatirapaRelihiyosong KamalayanMagkapares na mga SalitaAng Panginoon ay DiyosAng Panginoong Yahweh ay Diyos

At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.

426
Mga Konsepto ng TaludtodUlanBanal na PangungunaDiyos na Naghatid ng UlanMga Taong NakilalaDiyos na Kontrolado ang Ulan

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa.

436

At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay.

476
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanHimala ni Elias, MgaPagkakaalam na Mayroong DiyosPinangalanang mga Propeta ng PanginoonAng Panginoong Yahweh ay DiyosAlayDiyos, Panahon ngDiyos, Panahon ng

At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.

478
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipilianPag-aalinlangan, Bunga ngPagdadalawang-IsipHamonPamimiliPagaalanganHindi MakapagpasyaPananaw, MgaPubliko, Opinyon ngSinkretismoMapagalinlanganWatak-Watak na KaloobanTauhang Pinapatahimik, MgaDalawang Hindi Nahahawakang BagayAng Panginoong Yahweh ay DiyosPagsunod

At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.

495
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam na Mayroong DiyosAng Panginoong Yahweh ay Diyos

Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.

498
Mga Konsepto ng TaludtodPintas laban sa mga MananampalatayaSiya nga ba?Mapanggulong Grupo ng mga Tao

At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, Di ba ikaw, ang mangbabagabag sa Israel?

500
Mga Konsepto ng TaludtodApoySagot sa Pamamagitan ng ApoyApoy na mula sa LangitPagsunog sa mga Sakripisyo

Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.

505
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang ImpluwensiyaYungibPropeta, Buhay ng mgaPaaralan ng mga PropetaTubigPagibig sa Kapwa, Halimbawa ngLimangpuIsang DaanMga Taong nasa KuwebaPagpatay sa mga PropetaMga Taong Nagtatago ng mga TaoPropetang Pinatay, MgaPropeta, MgaJesebelPagtatagoGrupo, Mga

Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)

514

Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.

518

At si Elias ay yumaon napakita kay Achab. At ang kagutom ay malala sa Samaria.

519
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagtagpo sa mga TaoAltar, Mga

Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias.

522
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanIlog at Sapa, MgaPagpatay sa mga PropetaIlog KisonPropeta ng mga Diyus-diyusan, MgaBatis

At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon.

535
Mga Konsepto ng TaludtodUlanKasaganahan, Materyal naTunogKumain at UmiinomKasaganahan

At sinabi ni Elias kay Achab, Ikaw ay umahon, kumain ka at uminom ka; sapagka't may hugong ng kasaganaan ng ulan.

546
Mga Konsepto ng TaludtodPaaralan ng mga PropetaLimangpuIsang DaanMga Taong nasa KuwebaPagpatay sa mga PropetaMga Taong Nagtatago ng mga TaoPropetang Pinatay, MgaJesebel

Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?

553
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanMasama, Tugon ng Mananampalataya saSawayTalikuran ang mga Bagay ng DiyosTagasunod ni BaalMapanggulong Grupo ng mga Tao

At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.

573
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Paglago saOpisyalesPalasyo, MgaTauhang may Takot sa Diyos, MgaHari na Ipinatawag, Mga

At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay. (Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon:

581
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawa ng Tatlong Ulit

At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo.

590
Mga Konsepto ng TaludtodPitong UlitMinamasdan at NakikitaTuntuninLagay ng Panahon sa mga Huling Araw

At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito.

597
Mga Konsepto ng TaludtodDamoMolaPagpapakain sa mga HayopPinapanatiling Buhay ng mga Tao

At sinabi ni Achab kay Abdias, Lakarin mo ang lupain, hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig, at hanggang sa lahat ng mga batis: marahil tayo'y makakasumpong ng damo, at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop.

607
Mga Konsepto ng TaludtodKabataanMga Bata, Mabuting Halimbawa ngMakaDiyos na Takot, Halimbawa ngPatnubay ng Espiritu SantoPagiging Masigasig mula PagkaBataDiyos na Pumapasan sa mga TaoTauhang may Takot sa Diyos, Mga

At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.

613
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaDambana ng Panginoon, AngInaayos

At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.

617
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Kasalanan?

At kaniyang sinabi, Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab, upang patayin ako?

622
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Matagpuan SaanmanYaong Naghahanap sa mga Tao

Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo.

629
Mga Konsepto ng TaludtodPagakyatTuhodPagyukod ng Ulo sa Harapan ng Diyos

Sa gayo'y umahon si Achab upang kumain at uminom. At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya'y yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.

650
Mga Konsepto ng TaludtodSa Harapan ng mga Kalalakihan

At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.

662
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan, Halimbawa ngNgayong ArawMga Taong Nakilala

At sinabi ni Elias, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya'y nakatayo ako, ako'y walang salang pakikita sa kaniya ngayon.

664
Mga Konsepto ng TaludtodKarwahePagiging MaliitMaliit na mga Bagay na Ginamit ng DiyosMaliliit na mga BagayIwasan na Mahadlangan

At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan.

668
Mga Konsepto ng TaludtodSinturonBaywangKapangyarihan ng TaoTumatakboWalang UliratKamay ng DiyosLampasan ng TakboPaghahanda para sa PagkilosKamay ng Diyos sa mga TaoKaloob na Pambihirang LakasLahi

At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel.

677

Sa gayo'y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan, at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan.

681
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakadNakikilala ang mga TaoSiya nga ba?

At samantalang si Abdias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias?

686
Mga Konsepto ng TaludtodItimHimpapawidDiyos na Naghatid ng UlanKadiliman kahit Umaga

At nangyari, pagkaraan ng sangdali, na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan. At si Achab ay sumakay, at naparoon sa Jezreel.

716
Mga Konsepto ng TaludtodSa Harapan ng mga Kalalakihan

At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon. Narito, si Elias ay nandito; at papatayin niya ako.

760
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay ItoSa Harapan ng mga Kalalakihan

At siya'y sumagot sa kaniya, Ako nga: ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.