Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 4

1 Mga Hari Rango:

11
Mga Konsepto ng TaludtodTagapayo, MgaOpisyalesAntas

At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na kaibigan ng hari;

31
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesPalasyo, MgaSapilitang Paggawa

At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis.

75

At ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim:

84
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaGobernadorSolomon, Buhay niPagiimbakTaon, MgaPanlalaitIsang BuwanMga Taong NagbibigayLabing Dalawang Nilalang

At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon.

139

Si Ben-dacer, sa Maccas, at sa Saalbim, at sa Beth-semes, at sa Elonbeth-hanan:

153
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga Asawang Babae

Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon:)

167

Si Ben-hesed, sa Aruboth (sa kaniya'y nauukol ang Socho, at ang buong lupain ng Ephet:)

174
Mga Konsepto ng TaludtodMuogLungsodKalakihanTansoAnimnapuLungsod sa IsraelNapapaderang mga BayanTansong TarangkahanMga Lola

Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso:)

185

Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach, at sa Megiddo, at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola, na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam:

210
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganBuhanginSolomon, Katangian niKaunawaanPagpapalawakEspirituwal na PagunladBuhangin at GrabaKarunungang KumilalaLagay ng Isip

At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.

215
Mga Konsepto ng TaludtodAntas

At ang haring Salomon, ay hari sa buong Israel.

220
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahanBuhanginTribo ng IsraelMarami sa IsraelBuhangin at GrabaKumakain, Umiinom at Nagpapakasaya

Ang Juda at ang Israel ay marami, na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan, at nagiinuman, at nagkakatuwa.

233

Si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim:

245
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga Asawang Babae

Si Ahimaas, sa Nephtali; (Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon.)

258
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananTrigo, Alay naKaharian, MgaIlog at Sapa, MgaSolomon, Katangian niPagbubuwisParangalYaong Napasailalim sa mga TaoHanggang sa Hangganan ng Euprates

At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto: sila'y nagsipagdala ng mga kaloob, at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

264
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat

At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina, at anim na pung takal na harina,

276

Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot.

289
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalKabayo, MgaSabsabanKabalyeryaLabing Isa hanggang Labing Siyam na LiboApatnapung Libo at Higit paPagkakaroon ng Maraming Kabayo

At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo.

294
Mga Konsepto ng TaludtodPuno ng IgosPaanyaya, MgaKaligtasanPuno ng Ubas

At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na bawa't tao'y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng kaarawan ni Salomon.

295
Mga Konsepto ng TaludtodKanluranKanlurang BahagiPanahon ng KapayapaanMga TulayPamamahala

Sapagka't sakop niya ang buong lupain ng dakong ito ng Ilog, mula sa Tiphsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari sa dakong ito ng Ilog: at siya'y may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya.

301

Si Josaphat, na anak ni Pharua sa Issachar:

307
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaSabsabanSampung mga HayopDalawangpuIsang DaanKumakain ng BakaUsa at iba pa.Usa

Sangpung matabang baka, at dalawang pung baka na mula sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa ang mga usang lalake at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak.

310
Mga Konsepto ng TaludtodEskribaSekretaryaTagatala

Si Elioreph at si Ahia, na mga anak ni Sisa, ay mga kalihim; si Josaphat na anak ni Ahilud, ay kasangguni;

319

Si Semei, na anak ni Ela sa Benjamin:

320

At ito ang mga naging prinsipe na napasa kaniya: si Azarias, na anak ng saserdoteng si Sadoc.

326
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngMalampasan

At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Egipto.

329
Mga Konsepto ng TaludtodGobernador

Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.

340
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorHapag, Mga

At ipinag-imbak ng mga katiwalang yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman.

380

At si Benaia, na anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo; at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote;

402
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoPagpapakain sa mga Hayop

Sebada naman at dayami sa mga kabayo, at sa mga matuling kabayo ay nagsipagdala sila sa dakong kinaroroonan ng mga pinuno, bawa't isa'y ayon sa kaniyang katungkulan.

516
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Katangian niLibo LiboTatlong Libo at Higit PaPagsusulat ng AwitinKompositorMatalinong Kawikaan

At siya'y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima.

517
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyagan

Sapagka't lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; kay sa kay Ethan na Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.

583
Mga Konsepto ng TaludtodCedarHissopHalaman, MgaKaugnayan ng Hayop sa TaoKagandahan ng KalikasanIsdaAlagang Hayop, Mga

At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.

727
Mga Konsepto ng TaludtodLahat ng BansaHari at Karunungan

At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.