Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 3

1 Mga Hari Rango:

7
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigay na TaoAlay, MgaPaglalakbay, Banal naAlay sa Lumang TipanIsanglibong mga HayopAlay sa Tansong Altar

At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon.

81
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya sa Lumang TipanKabutihanKatuwiran ng mga MananapalatayaNauupoTronoKatangian ng MananampalatayaDiyos na Nagpakita ng Kanyang Kagandahang-Loob

At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.

100
Mga Konsepto ng TaludtodWalang KaranasanKapakumbabaanMinisteryo, Kwalipikasyon para saKabataanTulad ng BataHangal na mga TaoGaya ng mga BataLabas PasokLingkod, PunongAma, Mga Tungkulin ng

At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.

105
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungang Kumilala, Katangian ngPuso ng TaoKarunungan, Halaga sa TaoKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngKaalamanKarunungang Kumilala sa mga Bagay ng DiyosMga Taong Kasama sa KahatulanMakinig sa Diyos!Pagsasagawa ng PasyaKarunungang KumilalaPagpapasya

Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?

117
Mga Konsepto ng TaludtodPistahanHandaan, Halimbawa ng mgaPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasKaban sa Templo, AngKaban ng Tipan

At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.

130
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Pagpapala saPagpapala kay AbrahamBayan ng Diyos sa Lumang TipanHindi MabilangMarami sa Israel

At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan.

142
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamit ng KayamananKarunungang KumilalaLikas na mga Sakuna

At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;

146

At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya.

155
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng Linggo

At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay.

158
Mga Konsepto ng TaludtodSalungat

Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay.

163
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay Lugod sa DiyosDiyos, Panalanging Sinagot ng

At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito.

173
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungang Kumilala ng mga GobernadorKarunungan, Halaga sa TaoNatatanging mga Tao

Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.

195
Mga Konsepto ng TaludtodPagtandaMga Utos sa Lumang TipanPagkahari, PantaongBuhay ng TaoGantimpala ng DiyosPaano Mabuhay ng MatagalTuparin ang Kautusan!

At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

231
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahanSalapi, Paguugali saKasalukuyan, AngPinagmumulan ng DangalMayayamang Tao

At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan, na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.

244
Mga Konsepto ng TaludtodInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngYaong Nagmamahal sa DiyosPagaalay sa Matataas na Dako

At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako.

277
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Pangangalaga ng InaHating GabiBangkay ng mga Tao

At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan.

278
Mga Konsepto ng TaludtodPagaalay sa Matataas na Dako

Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon.

352
Mga Konsepto ng TaludtodIna, Pagibig sa Kanyang mga AnakKamatayan ng isang Ina

Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya.

353
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaNarsesSino ito?Hindi ang Bukod TangiKamatayan ng isang BataKapatirang Babae

At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak.

371
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal, Pagpapadama ngPagibig ng InaPagibig, at ang MundoHabag ng TaoKaloobanKalahati ng KatawanMga Taong Nagpapakita ng HabagIna, Pagibig sa Kanyang mga AnakPagkakaroon ng SanggolSanggol

Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya.

383
Mga Konsepto ng TaludtodSalungatKamatayan ng isang Bata

At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari.

400
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Karunungan ngHumahatol sa IbaKatusuhanKarunungan, Halaga sa TaoTakot sa Isang Tao

At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.

423

At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari.

458
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipag-ugnayanGabiPagpapakita ng DiyosSa Isang GabiDiyos na Sumasagot ng Panalangin

Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.

481
Mga Konsepto ng TaludtodProstitusyonDalawang Babae

Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya.

485
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPagpapatibayKaalyadoLungsodPagtatatagJerusalem, Kasaysayan ngHari, MgaPoligamyaSolomon, Katangian niSolomon, Buhay niPader, MgaPagtatatag ng Pader ng JerusalemPagtatatag ng Relasyon

At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.