Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 9

1 Mga Hari Rango:

14
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taon

At nangyari sa katapusan ng dalawang pung taon, nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari,

44
Mga Konsepto ng TaludtodCedarDalawangpuCedar na KahoyMga Taong Nagbibigay ng mga Bagay sa Iba

(Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa,) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.

65
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagbibigay Lugod sa mga Tao

At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.

92
Mga Konsepto ng TaludtodAtas na Paglilingkod sa PamahalaanMabigat na TrabahoPagtatatag ng Pader ng JerusalemSapilitang PaggawaMuling Pagtatatag ng Jerusalem

At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, at ang Megiddo, at ang Gezer.

106
Mga Konsepto ng TaludtodAno ba ito?

At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng Cabul, hanggang sa araw na ito.

108
Mga Konsepto ng TaludtodMakabayan

Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;

112
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaDoteTipan ng PagpapakasalPag-aasawa, Kaugalian tungkol saKasal, MgaPagsusunogPagsunog sa mga LungsodPagbihag sa mga Lungsod

Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Salomon.

120

At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,

131
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoTimbang ng Ginto

At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.

143
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, MgaPagiimbakKamalig ng Pagkain

At ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.

154
Mga Konsepto ng TaludtodSapilitang PaggawaRelasyon Hanggang sa Araw na Ito

Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila nagtindig si Salomon ng pulutong ng alipin, hanggang sa araw na ito.

175
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naSeremonyaAltar ng InsensoPagtatatag ng AltarTatlong Ulit sa Isang TaonTao, Natapos Niyang Gawa

At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.

187
Mga Konsepto ng TaludtodAng Hukbong DagatPaglikomIba pang mga Talata tungkol sa Pulang Dagat

At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.

217

At ang Baalath, at ang Tamar sa ilang, sa lupain,

237
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Natapos Niyang GawaAng Unang Templo

At nangyari, nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.

260
Mga Konsepto ng TaludtodMuling Pagtatatag ng JerusalemPampatibay

Nguni't ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang Millo.

299
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoKalakalTimbang ng GintoKaloob

At sila'y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, at dinala sa haring Salomon.

305
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanNananakotKasiyasiyaPagbibiro

Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan:

330
Mga Konsepto ng TaludtodIba't ibang mga Diyus-diyusanKung Hindi Ninyo Susundin ang Kautusan

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:

336
Mga Konsepto ng TaludtodApat hanggang Limang DaanApat at Limang Daan

Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

337
Mga Konsepto ng TaludtodMga KapitanAntas

Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

338
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng Dalawang UlitPagpapakita ng Diyos

Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa Gabaon.

350
Mga Konsepto ng TaludtodMagdaragatHusayBarko, Mga Pangangalakal na

At sinugo ni Hiram sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.

351
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng DiyosKabanalan, Paglago ng Mananampalataya saKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosKabanalan, Layunin ngPanalangin, Sagot saMapagtanggap, PagigingPagbabantay ng DiyosDiyos, Panalanging Sinagot ngDiyos na Nagbibigay PansinLugar para sa Pangalan ng DiyosPagsusumamo

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan doon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi.

367
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Pangangailangan ngMga Batang may Mabuting Halimbawa ng MagulangTuparin ang Kautusan!

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:

417
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga TemploBakit ito Ginagawa ng Diyos?

At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?

430
Mga Konsepto ng TaludtodIba't ibang mga Diyus-diyusanDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.

432
Mga Konsepto ng TaludtodTronoAng Kaharian ni SolomonMaharlika, Pagka

Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.