13 Talata sa Bibliya tungkol sa Pinabayaan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 27:10-14

Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon: at patnubayan mo ako sa patag na landas, dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan.magbasa pa.
Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay. Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.

2 Corinto 9:6-15

Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:magbasa pa.
Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran: Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios. Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios; Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat; Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo. Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.

Mga Taga-Roma 8:28
Mga Konsepto ng TaludtodLayuninPlano ng DiyosDiyos, Plano ngNagtitiwala sa Plano ng DiyosNagtratrabaho ng MagkasamaLahat ng Bagay ay Nangyayari na may DahilanNagtratrabaho para sa DiyosNagtratrabahoMagigingPagsasagawa ng MahusayBuhay na may LayuninLahat ng BagayPagkakaalam sa DiyosDiyos na Ginawang Mabuti ang MasamaPlano ng Diyos Para Sa AtinNagtratrabaho para sa PanginoonAyon sa Kanyang KaloobanNagbibigay KaaliwanKahirapanKamanghamanghang DiyosPagiging TakotPagkabalisaPagiging tulad ni CristoPinagtaksilanMasamang PananalitaPagiging HinirangPagiging Alam ang LahatMalamigPagiging KristyanoMasamang ImpluwensiyaPagiging Tiwala ang LoobDiyos na Gumagawa ng MabutiProblema, Pagsagot saProbidensya ng Diyos sa mga PangyayariMagandaPagibig, Katangian ngMasama, Tagumpay laban saKahirapan na Nagtapos sa MabutiKaaliwan kapag PinanghihinaanKalakasan, MakaDiyos naMasakit na PaghihiwalayTiwala sa Panawagan ng DiyosPagtanggap ng TuroMasamang mga BagayKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saPagibig sa DiyosPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKaisipan, Kalusugan ngPagibig para sa Diyos, Bunga ngProbidensyaPagiging Ganap na KristyanoPangako sa mga Nahihirapan, MgaTagumpay bilang Gawa ng DiyosAksidenteDiyos, Panukala ngKabutihan bilang Bunga ng EspirituPagkabalisa, Pagtagumpayan angPanahon ng Buhay, MgaKaaliwan sa KapighatianKinatawanPaglalaan at Pamamahala ng DiyosPagkilala sa DiyosPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naBanal na Agapay, Ibinigay ngPagkakamali, MgaTadhanaDiyos, Kabutihan ng

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Lucas 16:18

Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a