Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 8

1 Mga Hari Rango:

2
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Nilalaman ngKaban ng Tipan, Gamit ngBato, MgaTapyas ng BatoWalang Lamang mga BagayBato, Mga KasangkapangDalawang Tapyas ng BatoTipan na ginawa sa Bundok sa SinaiKaban ng Tipan

Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.

9
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganPuspusin ang Santuwaryo

At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.

50
Mga Konsepto ng TaludtodLubos na KaligayahanTheopaniyaMga Taong Walang Kakayahan na Maglingkod sa DiyosUlap ng Kaluwalhatian

Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

55
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Tahanan ng

Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na kadiliman.

72
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagDiyos, Tahanan ng

Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan, ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.

77
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Pinagpala ang Iba

At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.

88
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanTipan ng Diyos kay DavidDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoLugar para sa Pangalan ng DiyosPaghirang ng Diyos kay David

Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; nguni't aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel.

95
Mga Konsepto ng TaludtodBibig, MgaPurihin ang Diyos!KatuparanPalabas

At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi,

111
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Layunin ngLugar para sa Pangalan ng Diyos

Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;

145
Mga Konsepto ng TaludtodLugar para sa Pangalan ng Diyos

Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.

161
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitiponUgali sa PananalanginPanalangin, Praktikalidad saDambana ng Panginoon, AngPagtataas ng Kamay

At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit:

170
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadJerusalem, Kasaysayan ngAntasPagtitipon ng mga PinunoKaban sa Templo, AngAng Pagtitipon ng mga Matatanda

Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.

199
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Templo niLugar para sa Pangalan ng Diyos

Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.

202
Mga Konsepto ng TaludtodKaban sa Templo, AngDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoItinakda ng Tipan sa Sinai

At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.

204
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkanatatangi ngPamamaraan ng DiyosKatapatanMonoteismoWalang Sinuman na Gaya ng DiyosDiyos na Tumutupad ng Tipan

At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.

213
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBagong TaonTaglagasBuwan, Ikapitong

At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.

222
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala sa Salita ng DiyosTronoLugar para sa Pangalan ng Diyos

At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

234
Mga Konsepto ng TaludtodMahabaginDinggin ang Panalangin!Makinig ka O Diyos!Diyos na Sumasagot ng mga PanalanginLingkod, PagigingPagsusumamo

Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:

270
Mga Konsepto ng TaludtodBibig, Mga

Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.

274
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryoKaban sa Templo, Ang

At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.

281
Mga Konsepto ng TaludtodPanata ng TaoPanunumpa ng Panata

Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito:

292
Mga Konsepto ng TaludtodKaban sa Templo, AngSaserdote, Gawain ngAng Pagtitipon ng mga Matatanda

At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at binuhat ng mga saserdote ang kaban.

311
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Araw at GabiSeremonyaLugar para sa Pangalan ng DiyosTuntuninDiyos na Sumasagot ng mga Panalangin

Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.

317
Mga Konsepto ng TaludtodTupaHindi MabilangMaraming mga NilalangPagaalay ng mga Tupa at Baka

At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.

325
Mga Konsepto ng TaludtodLangit, Katangian ngKabahayan, MgaMakasalanan, MgaLangit na Saglit Nasilip na mga TaoDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanDiyos na NagpapatawadPagsusumamo

At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo.

328

Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.

331
Mga Konsepto ng TaludtodTronoSaulo at David

Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.

339
Mga Konsepto ng TaludtodMahabang mga BagayLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

At ang mga pingga ay nangapakahaba, na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.

347
Mga Konsepto ng TaludtodKaban sa Templo, AngKerubim

Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.

358
Mga Konsepto ng TaludtodTolda ng PagpupulongBanal na mga SisidlanBanal na Sisidlan, MgaSaserdote, Gawain ngAng TabernakuloPaglakiping Muli

At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.

410
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang EspirituDiyos ay Nasa Lahat ng DakoDiyos na SumasalahatDiyos na KataastaasanDiyos na Walang KatapusanLangit ay Tahanan ng DiyosDiyos, Presensya ngDiyos, Tahanan ngDiyos na Hindi Sakop ng Sannilikha

Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!

508
Mga Konsepto ng TaludtodEtika at BiyayaKaimperpektuhan, Impluwensya ngKasalanan, Pagiging Pangkalahatan ngMakasalanan, MgaTimbangan at Panukat ng DistansyaLahat ay NagkasalaMagagalit ba ang Diyos?Hindi Nakaabot sa Batayan

Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;

512
Mga Konsepto ng TaludtodKatepilarInsektoBalang, MgaAmagTulong sa KakulanganBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,

538
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngDiyos, Katapatan ngKatiyakan, Batayan ngKatiyakan sa Buhay PananampalatayaKatapatanPangako ng Diyos, MgaMapagkakatiwalaanKasulatan, Layunin ngDiyos na Hindi MababagoPurihin ang Panginoon!Diyos na Nagbibigay Pahinga

Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, ayon sa lahat na kaniyang ipinangako: walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako, na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod.

541
Mga Konsepto ng TaludtodSarili na KaalamanPagsusumamo

Anomang dalangin at pamanhik na gawin ng sinomang tao, o ng iyong buong bayang Israel, na makikilala ng bawa't tao ang salot sa kaniyang sariling puso, at iuunat ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito:

562
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaImahinasyon, Hangarin ngPanlabas na AnyoDiyos na Nakakaalam ng LahatPuso na Hayag sa DiyosDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanDiyos na NagpapatawadDiyos na Alam ang Laman ng Puso

Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at ikaw ay magpatawad at gumawa, at gumanti ka sa bawa't tao ayon sa lahat niyang mga lakad na ang puso ay iyong natataho; (sapagka't ikaw, ikaw lamang ang nakakataho ng mga puso ng lahat ng mga anak ng mga tao;)

600
Mga Konsepto ng TaludtodLinggo, MgaHapunanPitong ArawSampu o Higit pang mga ArawPagdiriwang

Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw.

616
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloKasalanan ay Nagdadala ng Karukhaan

Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:

633
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NagpapatawadDiyos, Pagpapatawad ngPagpapatawad

Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang.

637
Mga Konsepto ng TaludtodPagluhodPanalangin, Praktikalidad saDambana ng Panginoon, AngPagtataas ng Kamay

At nangyari, na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat na dalangin at pamanhik sa Panginoon, siya'y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon, sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit.

649
Mga Konsepto ng TaludtodKakulangan sa UlanTanda ng Pagsisisi, MgaKasalanan ay Nagdadala ng KarukhaanKasalanan ay Nagdudulot ng Pighati

Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y dumalangin sa dakong ito, at ipahayag ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinighati sila:

655
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, Mga

Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan;

656
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaKawalang Muwang, Turo saHayaang Lumago ang KasamaanPagpapawalang-sala sa Matuwid

Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran.

672
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghatid ng UlanDiyos na NagtuturoDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanDiyos na NagpapatawadPagpapatawad sa Sarili

Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong mga lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka iyong tuturuan sila ng mabuting daan na kanilang dapat lakaran; at paulanan mo ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana.

680
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonDiyos, Pagkanatatangi ngWalang Iba na DiyosPagkakaalam sa Diyos

Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.

724
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindiganPaninindigan sa DiyosMga Utos sa Lumang TipanKatapatanBinagong PusoTuparin ang Kautusan!PagtatalagaPagiging Maalab sa Diyos

Kaya't maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.

726
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaMapagbigay na TaoPagdiriwang, MgaAlay sa Lumang TipanSolomon, Buhay niDalawangpung Libo at Higit PaIsangdaang Libo at Higit PaKapayapaan, Handog sa

At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon.

733
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanLugar para sa Pangalan ng DiyosPagkakaalam sa Katangian ng Diyos

Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.

734
Mga Konsepto ng TaludtodKami ay Nagkasala

Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan;

735
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipyo ng Digmaan, MgaLugar para sa Pangalan ng Diyos

Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:

748

At ang hari, at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.

752
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonKasalukuyan, AngDiyos na SasaiyoHuwag mo kaming Pabayaan!Diyos na Sumasaatin

Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man;

759
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Bayang Hinirang ng DiyosPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Sapagka't iyong inihiwalay sila sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa upang maging iyong mana, gaya ng iyong sinalita sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod nang iyong ilabas ang aming mga magulang sa Egipto, Oh Panginoong Dios.

764
Mga Konsepto ng TaludtodPugonBakalDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

(Sapagka't sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas sa Egipto sa gitna ng hurnong bakal):

777
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag ng Tahanan ng DiyosBuong PusoLugar para sa Pangalan ng Diyos

Kung sila'y bumalik sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway, na nagdala sa kanilang bihag, at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain, na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, na bayang pinili mo, at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:

778
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoKatabaanTrigoMaliliit na mga BagayAlay sa Tansong AltarTaba ng mga HandogPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosSilid sa Templo

Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

780
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngEtika at BiyayaKatigasang PusoPagnanais na Sundin ang Kautusan

Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang.

782
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahanAraw, IkawalongNagagalak sa Gawa ng Diyos

Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan.

784
Mga Konsepto ng TaludtodMahabaginAng Pangangailangan ng HabagDiyos na NagpapatawadPagpapatawadDiyos, Pagpapatawad ngPagibig at KapatawaranNagpapatawad

At patawarin mo ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at ang lahat nilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo; at mahabag ka sa kanila sa harap niyaong mga nagdalang bihag sa kanila, upang sila'y mahabag sa kanila:

787
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngKalakasan ng Diyos

(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito;

793
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanNananalanginPagsusumamoKahilingan

Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap.

798
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Araw at Gabi

At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi, na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod, at ang usap ng kaniyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw araw;

799
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaTauhang Nagsisigawan, MgaMga Taong Pinagpala ang Iba

At siya'y tumayo, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel ng malakas na tinig, na sinasabi,

804

Upang sila'y matakot sa iyo sa lahat ng kaarawan na kanilang ikabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang.

813
Mga Konsepto ng TaludtodDinggin ang Panalangin!Makinig ka O Diyos!

Upang ang iyong mga mata'y madilat sa dalangin ng iyong lingkod, at sa dalangin ng iyong bayang Israel, upang iyong dinggin sila sa anomang panahong kanilang idaing sa iyo.

815
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kanyang Kilos mula sa Kalangitan

Dinggin mo nga ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik sa langit na iyong tahanang dako, at alalayan mo ang kanilang usap;