Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 22

1 Paralipomeno Rango:

445
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba, Mga Lugar ngBanal na Dako, MgaPagtatatag ng Tahanan ng Diyos

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel.

471
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaHusayBato, MgaGawa sa Bato, MgaDayuhan, MgaDayuhan

At iniutos ni David na pisanin ang mga taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios.

477
Mga Konsepto ng TaludtodAnak ng Diyos, MgaEspirituwal na Pag-aamponCristo, Paghahari Kaylanman niPagtatatag ng Tahanan ng Diyos

Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.

480
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanKapahingahan, Pisikal naDiyos na Nagpapangalan sa Kanyang BayanKapahingahanNatutulog ng Payapa

Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:

539
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Layunin ng

At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios.

558
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganWalang KaranasanKalagitnaan ng EdadKabataanBaguhanNagsasanayLimitasyon ng KabataanKonstruksyonBalangkas

At sinabi ni David, Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.

561
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Katangian ngPagpapadanakSolomon, Templo ni

Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana, at gumawa ng malaking pagdidigma: huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin:

606
Mga Konsepto ng TaludtodTansoPagawan ng SinsilyoGintoPilakTansoPagkamal na PilakPagkamal ng Tanso

Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.

616
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Templo ni

Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

640
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naCedarCedar na Kahoy

At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.

641
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naBakalKuko, MgaPagkamal ng TansoTansong Tarangkahan

At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang;

690

Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo.

715
Mga Konsepto ng TaludtodMagulang para sa mga Anak, Panalangin ngKalayaan, Pananaw tungkol saKarunungan, Halaga sa Tao

Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios.

722
Mga Konsepto ng TaludtodPuso at Espiritu SantoMaayos na Turo sa Lumang TipanPaghahanap sa DiyosSolomon, Templo niKaban sa Templo, AngPagiging Maalab sa DiyosTaus Pusong Panalangin sa Diyos

Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y bumangon nga, at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon, at ang mga banal na kasangkapan ng Dios, sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon.

761
Mga Konsepto ng TaludtodTagumpay bilang Gawa ng DiyosKatapanganLabanan ang Kahinaan ng LoobKalakasan ng mga Tao

Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man.

841
Mga Konsepto ng TaludtodKarpenteroKarunungan, sa Likas ng TaoTao, Nagtratrabahong mgaSining

Bukod dito'y may kasama kang mga manggagawa na sagana, mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy, at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain;

901
Mga Konsepto ng TaludtodSining

Sa ginto, sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, walang bilang. Ikaw ay bumangon at iyong gawin, at ang Panginoon ay sumaiyo.

904

Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,

928
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na nasa Iyo

Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako? sapagka't kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang bayan.