Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 23

1 Paralipomeno Rango:

60
Mga Konsepto ng TaludtodKalaguang PisikalKalagitnaan ng Edad

Ang mga ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

105
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay DavidDiyos na Nagbibigay PahingaDiyos, Tahanan ng

Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:

273
Mga Konsepto ng TaludtodPananagutanPananaw

At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.

415
Mga Konsepto ng TaludtodKalagitnaan ng Edad

Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

418
Mga Konsepto ng TaludtodPalabas

Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;

425
Mga Konsepto ng TaludtodDala-dalang mga Banal na Bagay

At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.

428
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainSagradong TinapayTinapay na Handog

Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;

435
Mga Konsepto ng TaludtodMatandang Edad, Pagkamit ngGinawang mga HariKamatayan, Dumarating na

Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.

450
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanSabbath sa Lumang Tipan

At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:

528

At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.

529
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayoUtang na LoobBawat UmagaSa Umaga at Gabi

At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;

535
Mga Konsepto ng TaludtodImbensyon, MgaOrkestraPahinanteApat na LiboInstrumentalista, MgaInstrumento, Mga

At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.

542

Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.

608

At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.

619
Mga Konsepto ng TaludtodPangkatHati-hati

At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.

620
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpuTatlumpung Libo at Higit Pa

At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo.

622

Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.

627
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan bilang Ibinukod sa Diyos

Ang mga anak ni Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.

628

Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.

639

At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.

643

Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.

647

Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.

651
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na LiboDalawangpung Libo at Higit Pa

Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom:

684

Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.

721

At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.

752

Nguni't tungkol kay Moises na lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi.

763

Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.

765

Ang mga anak ni Ishar: si Selomith na pinuno.

784

Ang mga anak ni Gerson: si Sebuel na pinuno.

796

Sa mga Gersonita: si Ladan, at si Simi.

800

Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.

926
Mga Konsepto ng TaludtodPinsan

At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.