Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 10

1 Samuel Rango:

42
Mga Konsepto ng TaludtodPaaralan

At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

80
Mga Konsepto ng TaludtodSinaunang Kasabihan

At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

134
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa mga Nahahawakang BagaySaan Tutungo?

At sinabi ng amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan, Saan kayo naparoon? At kaniyang sinabi, Upang hanapin ang mga asno, at nang aming makita na hindi mangasumpungan, ay naparoon kami kay Samuel.

135
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga Salita

At nang siya'y makatapos ng panghuhula, siya'y sumampa sa mataas na dako.

158
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPagpahid ng Langis ay sinasagawa saHari, MgaPagkahari, PantaongPaghalikPinuno, Mga Pulitikal naLangisAntasHalik, MgaOlibo, Langis ngGawa ng Pagpapahid ng Langis, AngPinahiran ng Langis, Mga Hari naPampahid na Langis

Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana?

166
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

At sinabi ng amain ni Saul, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo.

171
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa mga BagayYaong mga Hindi Nagsabi

At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.

182
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonPagtitipon ng Israel

At tinipon ni Samuel ang bayan sa Panginoon sa Mizpa;

206

Sa gayo'y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.

216
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanKaharian, MgaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoNatatanging Pahayag

At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo:

219
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa DiyosTheokrasiyaLikas na mga Sakuna

Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyoinyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.

237
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosPagtatago mula sa mga TaoBagahe

Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.

245
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang EspirituwalAng Espiritu ng DiyosPangako ng Banal na Espiritu, MgaAng Banal na Espiritu, Bukal na KarununganPaaralanGrupo, Mga

At nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.

246
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng TaoPangako ng Banal na Espiritu, MgaMga Taong NagbagoPagiging NaiibaPagiging Natatangi

At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.

249
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalagaPaghahanap sa mga BagayDalawa Pang Lalake

Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak?

254
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaSumbatInsulto, MgaMasamang PalagayKatahimikanTalumpati, Kapangyarihan at Kahalagahan ngMapagmataasPagtataksilTauhang Pinapatahimik, MgaWalang Sinuman na MakapagliligtasHindi Nagbibigay

Nguni't sinabi ng ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.

261
Mga Konsepto ng TaludtodPlautaMatataas na DakoLiraInstrumento ng Musika, Uri ngPropesiya, Paraan sa Lumang TipanAltarTamburinAlpaLira, MgaPaaralanTambol, Mga

Pagkatapos ay darating ka sa burol ng Dios, na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at sila'y magsisipanghula.

269
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaGrupong NagsisigawanNatatanging mga Tao

At sinabi ni Samuel sa buong bayan, Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, Mabuhay ang hari.

275
Mga Konsepto ng TaludtodPaliwanag, MgaAklat, MgaAklat ng Kautusan

Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.

301
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaMatatangkad na mga Tao

At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, mula sa kaniyang mga balikat at paitaas.

309
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Matagpuan Saanman

At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.

311
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kalooban ngPuso ng Tao

At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios.

323
Mga Konsepto ng TaludtodPusong Makasalanan at TinubosBinagong PusoMga Taong NagbagoTao, Natupad Niyang SalitaSaulo

At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon.

336
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong LalakeTatlong HayopPapunta sa Taas ng BundokDami ng AlakOak, Mga Puno ngTatlong Iba pang Bagay

Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:

347
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naPaghihintayLinggo, MgaPitong ArawMga Taong Naghihintay

At ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

359
Mga Konsepto ng TaludtodTanda mula sa Diyos, MgaDiyos sa piling ng mga TaoPagsasagawa ng Gawain ng Diyos

At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.

362
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap ng KaloobMga Taong Nagbibigay Pagkain

At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay.