Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 21

1 Samuel Rango:

365
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiyaGumagawang MagisaBakit mo ito Ginagawa?

Nang magkagayo'y naparoon si David sa Nob kay Ahimelech na saserdote: at sinalubong si David ni Ahimelech na nanginginig, at sinabi sa kaniya, Bakit ka nagiisa, at walang taong kasama ka?

418
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanHuwag SabihinTao, Itinalagang

At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote, Inutusan ako ng hari ng isang bagay, at sinabi sa akin, Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo, at ang aking iniutos sa iyo: at aking inilagay ang mga bataan sa gayo't gayong dako.

439

At tumindig si David, at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul, at naparoon kay Achis na hari sa Gath.

509
Mga Konsepto ng TaludtodTelaNatatanging mga Bagay

At sinabi ng saserdote, Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.

521
Mga Konsepto ng TaludtodPagpupumillitSandata, MgaPagmamadaliNagmamadaling Hakbang

At sinabi ni David kay Ahimelech, At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man, dahil sa ang bagay ng hari ay madalian.

532
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisa, Mga Halimbawa ngTakot sa Isang Tao

At iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso, at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath.

534
Mga Konsepto ng TaludtodTrabahoYaong mga Nangangalaga ng Kawan

Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon, na pinigil sa harap ng Panginoon: at ang kaniyang pangalan ay Doeg na Idumeo, na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul.

543
Mga Konsepto ng TaludtodAsetisismo, Uri ngSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanKadalisayan, Katangian ngTinapay na Handog

At sumagot ang saserdote kay David, at nagsabi, Walang karaniwang tinapay sa aking kamay, nguni't mayroong banal na tinapay; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo lamang sa mga babae.

545
Mga Konsepto ng TaludtodLuku-Luko

Kulang ba ako ng mga ulol, na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan? papasok ba ang taong ito sa aking bahay?

549
Mga Konsepto ng TaludtodSayawPagmamalabisKatanyaganPagkukumpara, MgaIsanglibong mga TaoMaraming KaawayPagpatay sa Maraming TaoSaulo at David

At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa?

567
Mga Konsepto ng TaludtodSagradong TinapayMainit na mga BagayBanalin

Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha.

575
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaBalbasLawayNagkukunwariPagsusulat sa isang Bagay

At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas.

597

Nang magkagayo'y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod, Narito, tingnan ninyo ang lalake ay ulol: bakit nga ninyo dinala siya sa akin?

609
Mga Konsepto ng TaludtodEspisipikong Lagay ng mga Banal na Tao

At sumagot si David sa saserdote, at nagsabi sa kaniya, Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito; nang ako'y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal, bagaman isang karaniwang paglalakad; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga daladalahan?

638
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Bagay

Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay, o anomang mayroon ka.