Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 20

1 Samuel Rango:

64
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa mga Nahahawakang Bagay

At, narito, aking susuguin ang bata: Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso. Kung aking sabihin sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito: pagkunin mo, at parito ka; sapagka't may kapayapaan sa iyo at walang anoman, buhay ang Panginoon.

140

Nguni't kung aking sabihing ganito sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon: ituloy mo ang iyong lakad, sapagka't pinayaon ka ng Panginoon.

243
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng TaoPag-uugaliGalit, Halimbawa ng MakasalanangGalit ng Taong MasamaGalit ng Tao, SanhiPamimili ng mga TaoPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaKahihiyan ay DumatingPaghihimagsik

Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina?

283
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan, Katangian ngTauhang Pinapatahimik, MgaMga Taong Hindi Malinis

Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon: sapagka't kaniyang inisip: May bagay na nangyari sa kaniya, siya'y hindi malinis; tunay na siya'y hindi malinis.

342

At sumagot si Jonathan kay Saul, Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem:

344
Mga Konsepto ng TaludtodAng Patotoo ng Diyos

At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan, narito, ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man.

345

At nangyari sa kinaumagahan, na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon, at isang munting bata ang kasama niya.

358
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MatulunginMatulunging mga BataPaghahanap sa mga Nahahawakang Bagay

At sinabi niya sa kaniyang bataan, Takbo, hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana. At pagtakbo ng bataan, kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya.

363

At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan, sinigawan ni Jonathan ang bataan, at sinabi, Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon?

371
Mga Konsepto ng TaludtodTinatangkang Patayin AkoAnong Kasalanan?

At si David ay tumakas mula sa Najoth, na nasa Rama, at siya'y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan, Anong aking ginawa? anong aking kasamaan? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama, upang kaniyang usigin ang aking buhay?

388
Mga Konsepto ng TaludtodNauupoPagtatago mula sa mga TaoKumakain ng KarnePagtatago

Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain.

408
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianPader, MgaWalang Lamang mga BagayMga Taong NakaupoSa Tabi ng mga Tao

At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding; at tumayo si Jonathan, at umupo si Abner sa siping ni Saul; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo.

425
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipigil sa PagpatayBakit ito Nangyayari?Anong Kasalanan?

At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama; at nagsabi sa kaniya, Bakit siya papatayin? anong kaniyang ginawa?

455
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga BagayBakit Hindi Ito Ginagawa ng Iba?

At nangyari nang kinabukasan, pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw, na sa upuan ni David ay walang nakaupo, sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak, Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain, ni kahapon, ni ngayon man.

471
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MaliitHuwag Na Mangyari!Bagay na Nahayag, MgaYaong mga Hindi Nagsabi

At sinabi niya sa kaniya, Malayo nawa; hindi ka mamamatay: narito, ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin: at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito? hindi gayon.

492
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay, Kaiklian ngAng Karupukan ng TaoYaong mga Hindi NagsabiKamatayan ng isang Ama

At gayon ma'y si David ay sumumpa, at nagsabi, Talastas na maigi ng iyong ama, na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at kaniyang sinasabi, Huwag maalaman ni Jonathan ito, baka siya'y magdalamhati; nguni't buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan.

524
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikPaghihirap, Lagay ng Damdamin saSimpatiyaPagtangisPagkakaibigan, Halimbawa ngHalik, MgaLuhaGumagawa ng Tatlong UlitMabuting Pamamaalam

At pagkayaon ng bataan, si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan, at sumubsob sa lupa, at yumukod na makaitlo: at sila'y naghalikan, at umiyak kapuwa, hanggang si David ay humigit.

553
Mga Konsepto ng TaludtodMagkatunggaliSaulo at David

Sapagka't habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa, ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man. Kaya ngayo'y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin, sapagka't siya'y walang pagsalang mamamatay.

560
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na SasaiyoDiyos sa piling ng mga Tao

Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan, ay hatulan ng Panginoon si Jonathan, malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka, upang ikaw ay yumaong payapa: at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya'y nasa aking ama.

571
Mga Konsepto ng TaludtodSibat, MgaItinatapong mga Sibat

At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David.

584
Mga Konsepto ng TaludtodTudlaanTatlong Iba pang BagayHindi Nakaabot sa Batayan

At ako'y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako'y may pinatatamaan.

594
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa Buhay

At huwag mangyari kailanman hanggang ako'y nabubuhay, na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako'y huwag mamatay:

605
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting mga KaibiganPananagutan sa Daigdig ng DiyosPagibig sa Kapwa, Halimbawa ngPagkakaibigan, Halimbawa ngYaong mga Nagmahal

At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya: sapagka't kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa.

606
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saKatapatanHindi Tapat sa mga TaoAng Patotoo ng DiyosHumayong Mapayapa

At sinabi ni Jonathan kay David, Yumaon kang payapa, yamang tayo'y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi, magpakailan man. At siya'y bumangon at yumaon: at pumasok si Jonathan sa bayan.

615
Mga Konsepto ng TaludtodBethlehemPaghingi ng PahintulotBawat TaonUmalis naAnibersaryo

Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan.

619
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saKatapatan sa Pakikitungo sa TaoKabutihanKatapatanPag-uusapKasunduanPagpayag na MagpatiwakalAnong Kasalanan?

Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan, patayin mo ako; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama?

623

Subali't huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man: huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa.

633
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanWalang Lamang mga BagayUmalis naMay Isang Nawawala

Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya, Bukas ay bagong buwan, at ikaw ay pupunahin, sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo.

646
Mga Konsepto ng TaludtodBagong Buwan, Pista ngAng Ikatlong Araw ng LinggoTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanPagtatago mula sa mga Tao

At sinabi ni David kay Jonathan, Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw.

647
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagkukusa

Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo.

651
Mga Konsepto ng TaludtodAng Patotoo ng Diyos

At sinabi ni Jonathan kay David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel, maging saksi; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw, narito, kung maging mabuti kay David, hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo, at ipababatid sa iyo?

652
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihintayTatlong ArawPagtatago mula sa mga Tao

At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito, at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel.

655

Sa gayo'y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David, na sinabi, At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David.

662
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapatidEtika, Personal naBayan

At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon; at ngayon, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari.

677
Mga Konsepto ng TaludtodGalit, Pagpipigil ngMagaliting mga Tao

Kung kaniyang sabihing ganito, Mabuti; ang iyong lingkod ay matitiwasay; nguni't kung siya'y magalit, talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya.

687
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Na Mangyari!Bagay na Nahayag, Mga

At sinabi ni Jonathan, Malayo nawa sa iyo: sapagka't kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo, hindi ko ba sasaysayin sa iyo?

689
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Dahilan ngKalungkutanSimpatiyaHapag, MgaGalit ng Taong MatuwidGalit ng Tao, SanhiPagtangis sa KapighatianPagaayuno tuwing may KalungkutanPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

Sa gayo'y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit, at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan: sapagka't siya'y nagdalamhati dahil kay David, sapagka't hiniya siya ng kaniyang ama.

690
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Jonathan, Sino ang magsasaysay sa akin, kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan?

727
Mga Konsepto ng TaludtodPinagmamadali ang Iba

At sinigawan ni Jonathan ang bataan, Tulin, magmadali ka, huwag kang tumigil. At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso, at naparoon sa kaniyang panginoon.

732
Mga Konsepto ng TaludtodPasanin ang Bigatin ng Iba

At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan, at sinabi sa kaniya, Yumaon ka, dalhin mo sa bayan.

735

At sinabi ni Jonathan kay David, Halika at tayo'y lumabas sa parang. At sila'y kapuwa lumabas sa parang.

766
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan sa Totoo

Nguni't hindi naalaman ng bataan ang anoman: si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay.