Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 25

1 Samuel Rango:

95
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakPagpipigil sa PagpatayHindi Naghihiganti

Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal.

250
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng TaoTao, Damdamin ngMaysakit na isang Tao

At nangyari sa kinaumagahan, nang ang alak ay mapawi kay Nabal, na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito, at nagkasakit siya sa puso, at siya'y naging parang isang bato.

333
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, Mga

At ngayo'y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon.

367
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatawad sa Isa't IsaPakikipaglaban sa mga KaawayPagpapawatad sa Nakasakit Saiyo

Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod: sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka't ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw.

383
Mga Konsepto ng TaludtodSementeryoUmiiyak, MgaTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At namatay si Samuel; at nagpipisan ang buong Israel, at pinanaghuyan siya, at inilibing siya sa kaniyang bahay sa Rama. At bumangon si David, at lumusong sa ilang ng Paran.

404
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaTupaPastol, Trabaho ngTupa na GinugupitanIsanglibong mga HayopTatlong Libo at Higit PaMayayamang Tao

At may isang lalake sa Maon, na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo; at ang lalake ay lubhang dakila, at siya'y mayroong tatlong libong tupa, at isang libong kambing; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo.

407
Mga Konsepto ng TaludtodSaulo at David

At mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel;

412
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakPagpipigil sa PagpatayPagalaala sa mga TaoHindi Naghihiganti

Na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon, maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan, o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon: at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon, alalahanin mo nga ang iyong lingkod.

428
Mga Konsepto ng TaludtodPagihiKamataya ng lahat ng Lalake

Sapagka't tunay, buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo, kundi ka nagmadali, at pumaritong sumalubong sa akin, tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.

429
Mga Konsepto ng TaludtodPurihin ang Panginoon!

At sinabi ni David kay Abigail, Purihin nawa ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako:

458
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipigil sa PagpatayHindi Naghihiganti

At purihin nawa ang iyong kabaitan, at pagpalain ka, na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti ng aking sariling kamay.

470
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainPuno ng IgosTrigoPasasTupaTimbangan at PanukatIgosIsang DaanAng Bilang Dalawang DaanTuyong PrutasDami ng AlakNagmamadaling HakbangIba pang mga Panukat ng Dami

Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail, at kumuha ng dalawang daang tinapay, at dalawang balat ng alak, at limang handang tupa, at limang takal ng trigo na sinangag, at isang daang kumpol na pasas, at dalawang daang binilong igos, at ipinagpapasan sa mga asno.

494

At nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmelo, ay kanilang sinalita sa kaniya, na sinasabi, Sinugo kami ni David sa iyo, upang kunin ka na maging asawa niya.

496
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap ng Kaloob

Sa gayo'y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya: at sinabi niya sa kaniya, Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay; tingnan mo, aking dininig ang iyong tinig, at aking tinanggap ang iyong pagkatao.

502
Mga Konsepto ng TaludtodTirador, MgaItinatapong mga Bato

At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka, at usigin ang iyong kaluluwa, gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway, ay pahihilagpusin niya, na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos.

504
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayKatakawanPistahanLumabisPangingilin mula sa PaginomHandaan, Mga Gawain saPagkalasenggo, Halimbawa ngKasiyahanPagsasayaMga LasingYaong mga Hindi Nagsabi

At naparoon si Abigail kay Nabal; at, narito, siya'y gumawa ng isang kasayahan sa kaniyang bahay, na gaya ng pagsasaya ng isang hari; at ang puso ni Nabal ay nagalak sa kaniyang loob, sapagka't siya'y lubhang nalango; kaya't siya'y hindi nagsaysay sa kaniya ng anoman, munti o malaki, hanggang sa pagbubukang liwayway.

537
Mga Konsepto ng TaludtodUgaliPagiisipPanlabas na AnyoMakasarili, Halimbawa ngMabuting Maybahay, Halimbawa ngKagandahan sa mga BabaeKawalang GalangKababaihan, Kagandahan ng mgaKagandahan ng KalikasanMabuting BabaePanloob na KagandahanGanda at DangalButihing Ama ng TahananMagandang Babae

Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail: at ang babae ay matalino, at may magandang pagmumukha; nguni't ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa; at siya'y supling sa sangbahayan ni Caleb.

547
Mga Konsepto ng TaludtodLimang TaoPagsakay sa Asno

At nagmadali si Abigail, at bumangon, at sumakay sa isang asno, na kasama ng limang dalaga niya na sumusunod sa kaniya; at siya'y sumunod sa mga sugo ni David, at naging kaniyang asawa.

566
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PagpipigilUlo, MgaPagpipigilDiyos na Ginawang Dumami ang KasamaanDiyos, Paghihiganti ngPurihin ang Panginoon!

At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay, ay kaniyang sinabi, Purihin nawa ang Panginoon na siyang nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal, at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan: at ang masamang gawa ni Nabal ay ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo. At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya.

596
Mga Konsepto ng TaludtodPagdusta, Halimbawa ngHindi PagpapatuloyKawalang-KatapatanPagtakas mula sa Taung-BayanSino ito?Iba pang Hindi Mahahalagang TaoAko ay Hindi Mahalaga

At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David, at nagsabi, Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa't isa sa kaniyang panginoon.

611
Mga Konsepto ng TaludtodPagihiKamataya ng lahat ng Lalake

Hatulan nawa ng Dios ang mga kaaway ni David, at lalo na, kung ako'y magiwan ng labis sa lahat na nauukol sa kaniya sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.

616
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPaglilipat ng mga AsawaPurgatoryo

Ngayo'y ibinigay ni Saul si Michal na kaniyang anak, na asawa ni David, kay Palti na anak ni Lais na taga Gallim.

622
Mga Konsepto ng TaludtodPagbatiPang-iinsulto sa Ibang TaoNagsasabi tungkol sa mga Pangyayari

Nguni't isinaysay ng isa sa mga bataan kay Abigail, na asawa ni Nabal, na sinasabi, Narito, si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon; at kaniyang tinanggihan.

627
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Halimbawa ngHangal na mga TaoMga Taong may Akmang Pangalan

Isinasamo ko sa iyo, na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak, sa makatuwid baga'y kay Nabal; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya: Nabal ang kaniyang pangalan, at ang kamangmangan ay sumasakaniya: nguni't akong iyong lingkod, hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon, na iyong sinugo.

643
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPagpapatirapaPagbatiKinakalaganPagyukod sa Harapan ni David

At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa.

673
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Mga Asawa ni

Kinuha naman ni David si Ahinoam, na taga Jezreel; at sila'y kapuwa naging asawa niya.

678
Mga Konsepto ng TaludtodParusang KamatayanSampu o Higit pang mga ArawDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa isang Tao

At nangyari, pagkaraan ng may sangpung araw, at sinaktan ng Panginoon si Nabal, na anopa't siya'y namatay.

693
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Dalawang DaanApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanBagahe

At sinabi ni David sa kaniyang mga lalake, Ibigkis ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang tabak. At nagbigkis ang bawa't isa ng kaniyang tabak; at si David ay nagbigkis din ng kaniyang tabak: at ang umahon na sumunod kay David ay may apat na raang lalake; at naiwan ang dalawang daan sa daladalahan.

703
Mga Konsepto ng TaludtodUgali

Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin; sapagka't ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon, at laban sa kaniyang buong sangbahayan: sapagka't siya'y isang hamak na tao, na sinoma'y hindi makapakiusap sa kaniya.

711
Mga Konsepto ng TaludtodPaghuhugas ng PaaPaa, MgaPanauhin, MgaKahandahanPaa, Paghuhugas ngMalinis na Paa

At siya'y bumangon at nagpatirapa sa lupa, at nagsabi, Narito, ang iyong lingkod ay isang aba upang maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon.

717
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaPagyukod sa Harapan ni David

At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod.

720
Mga Konsepto ng TaludtodTupa na Ginugupitan

At narinig ni David sa ilang na ginugupitan ni Nabal ng balahibo ang kaniyang tupa.

722
Mga Konsepto ng TaludtodPader, MgaPagiingat sa Araw at GabiTalinghagang Pader

Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa.

726
Mga Konsepto ng TaludtodPastol, Trabaho ng

Nguni't ang mga lalake ay napakabuti sa amin, at hindi kami sinaktan, o nagkulang man ng anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila, nang kami ay nasa mga parang:

730
Mga Konsepto ng TaludtodKarneTubigWalang Alam sa mga Tao

Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan?

733
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoIpinahayag na Pagbati

At nagsugo si David ng sangpung bataan, at sinabi ni David sa mga bataan, Umahon kayo sa Carmelo, at kayo'y pumaroon kay Nabal, at batiin ninyo siya sa aking pangalan:

741
Mga Konsepto ng TaludtodKalusuganPagbatiPamilya, Unahin ang

At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa, Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang sumaiyong sangbahayan, at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik.

764
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya sa Relasyon sa Tao

Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo: kaya't makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan; sapagka't kami ay naparito sa mabuting araw: isinasamo ko sa iyo, na ibigay mo ang anomang masumpungan mo ng iyong kamay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong anak na kay David.

768
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Naghihintay

At nang dumating ang mga bataan ni David, kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David, at nagsitahimik.

775
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

Sa gayo'y ang mga bataan ni David ay pumihit sa kanilang lakad, at nagsibalik, at naparoon, at isinaysay sa kaniya ang ayon sa lahat ng mga salitang ito.

785
Mga Konsepto ng TaludtodPagsakay sa Asno

At nagkagayon na samantalang siya'y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito, si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya, at sinalubong niya sila.

787
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobGantimpala ng TaoAsalWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoMga Tao na Talagang Gumagawa ng Kasamaan

Sinabi nga ni David, Tunay na walang kabuluhang aking iningatan ang lahat na tinatangkilik ng taong yaon sa ilang, na anopa't hindi nawala ang anoman sa lahat na nauukol sa kaniya: at kaniyang iginanti sa akin ay masama sa mabuti.

795
Mga Konsepto ng TaludtodTupaTupa na GinugupitanNamumuhay, Magkasamang

At ngayo'y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa; ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin, at hindi namin inano sila, o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo.

800
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga Hindi Nagsabi

At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal.