Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 26

1 Samuel Rango:

417
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago mula sa mga TaoNagsasabi tungkol sa Kilos

At naparoon ang mga Zipheo kay Saul sa Gabaa, na nagsasabi, Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hachila, sa tapat ng ilang?

467
Mga Konsepto ng TaludtodDisyerto, EspisipikongTatlong Libo at Higit Pa

Nang magkagayo'y bumangon si Saul at lumusong sa ilang ng Ziph, na may tatlong libong piling lalake sa Israel na kasama niya upang hanapin si David sa ilang ng Ziph.

602

Nang magkagayo'y sumagot si David, at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo, at kay Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, na nagsasabi, Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento? At sinabi ni Abisai, Ako'y lulusong na kasama mo.

614
Mga Konsepto ng TaludtodHabag, Halimbawa ngPinahiran, AngAng Pinahiran ng Panginoon

At sinabi ni David kay Abisai, Huwag mong patayin siya: sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala?

632
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanAng Pinahiran ng PanginoonHuwag Na Mangyari!

Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon: nguni't ngayo'y iyong kunin, isinasamo ko sa iyo, ang sibat na nasa kaniyang ulunan, at ang banga ng tubig, at tayo'y yumaon.

683

At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul: at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul at ni Abner na anak ni Ner, na kapitan ng kaniyang hukbo: at si Saul ay nakahiga sa dako ng mga karo, at ang bayan ay humantong sa palibot niya.

701
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibahagi kay CristoIba't ibang mga Diyus-diyusanSinusumpa ang Di-MatuwidHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusan

Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod. Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin, ay tumanggap siya ng isang handog: nguni't kung ang mga anak ng tao, sumpain sila sa harap ng Panginoon; sapagka't sila'y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, maglingkod ka sa ibang mga dios.

706
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Halimbawa ngKaaway ng mga MananampalatayaPanghihinayangKaaway, Tugon ng Kristyano sa mgaHangal na mga TaoPersonal na ButiKami ay NagkasalaSaulo

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul, Ako'y nagkasala: bumalik ka, anak kong David: sapagka't hindi na ako gagawa ng masama sa iyo, sapagka't ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito: narito, ako'y nagpakamangmang, at ako'y nagkamali ng di kawasa.

713
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosKayamanan, Espirituwal naKatuwiran sa PananampalatayaAng Pinahiran ng PanginoonIbinigay sa KamayDiyos, Hihingin ng

At gagantihin ng Panginoon ang bawa't tao sa kaniyang katuwiran at sa kaniyang pagtatapat: sapagka't ibinigay ka ng Panginoon sa aking kamay ngayon, at hindi ko iniunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon.

716
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoInsektoIbon, Uri ng mgaPagpipigil sa PagpatayPulgasPartrid, Ibong

Ngayon nga'y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon; sapagka't lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto, gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok.

723
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa Kamay

Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai kay David, Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak, at hindi ko pagmamakalawahin.

728
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, Mga

Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan: at, narito, si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa sa kaniyang ulunan: at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya.

757
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngAnak, Pagpapala ang MgaSaulo

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay David, Pagpalain ka, anak kong David: ikaw ay gagawa na makapangyarihan, at tunay na ikaw ay mananaig. Sa gayo'y nagpatuloy si David ng kaniyang lakad, at si Saul ay bumalik sa kaniyang dako.

759
Mga Konsepto ng TaludtodUmiinom ng TubigAng Pinahiran ng Panginoon

Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti. Buhay ang Panginoon, kayo'y marapat na mamatay, sapagka't hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon, ang pinahiran ng langis ng Panginoon. At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan.

760
Mga Konsepto ng TaludtodPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa isang TaoLikas na Kamatayan

At sinabi ni David, Buhay ang Panginoon, ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay; o siya'y lulusong sa pagbabaka, at mamamatay.

763
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaSiya nga ba?Nakikilala ang mga Bagay

At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, Aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari.

770
Mga Konsepto ng TaludtodSino ito?

At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner, na nagsabi, Hindi ka sumasagot, Abner? Nang magkagayo'y sumagot si Abner at nagsabi, Sino kang sumisigaw sa hari?

772
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog, Pisikal na

Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at sila'y umalis, at walang nakakita, o nakaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagka't sila'y pawang mga tulog; sapagka't isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon.

774
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga TaoMga Taong may Pinapanatili

At sinabi ni David kay Abner, Hindi ka ba matapang na lalake? at sinong gaya mo sa Israel? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari? sapagka't pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon.

776

At humantong si Saul sa burol ng Hachila na nasa tapat ng ilang sa tabi ng daan. Nguni't si David ay tumahan sa ilang, at kaniyang nakita na sinusundan siya ni Saul sa ilang.

792
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Kasalanan?

At kaniyang sinabi, Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod? sapagka't anong aking ginawa? o anong kasamaan ang nasa aking kamay?

793
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng DistansyaDistansya

Nang magkagayo'y dumaan si David sa kabilang dako, at tumayo sa taluktok ng bundok na may kalayuan; na may malaking pagitan sa kanila:

797
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, Kilos

Nagsugo nga si David ng mga tiktik, at nalaman na tunay na dumarating si Saul.

799
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisaPersonal na Buti

At, narito, kung paanong ang iyong buhay ay mahalagang mainam sa aking paningin sa araw na ito, ay maging gayon nawang mahalagang mainam ang aking buhay sa paningin ng Panginoon, at iligtas niya nawa ako sa madlang kapighatian.

803

At sumagot si David at nagsabi, Tingnan mo ang sibat, Oh hari! paparituhin mo ang isa sa mga bataan at kunin.