Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 15

2 Mga Hari Rango:

34
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPagbubuntisLaslas na KatawanSaktan ang mga Buntis

Nang magkagayo'y sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagka't hindi nila siya pinabuksan, kaya't sinaktan niya; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka.

59
Mga Konsepto ng TaludtodSampu hanggang Labing Apat na TaonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi, at nagharing sangpung taon sa Samaria.

163
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa AsiryaHukbo, Laban sa IsraelPagpapatapon sa Israel tungo sa AsiryaPagbihag sa mga LungsodTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang Ihion, at ang Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang Cedes, at ang Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

173
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang TaonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria, at nagharing dalawang taon.

174

At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon: siya'y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

188
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoMga Kaaway ng Israel at Juda

Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay.

197
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

266

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

290
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalimangpu't dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria, at nagharing dalawangpung taon.

310
Mga Konsepto ng Taludtod15 hanggang 20 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc.

320

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

352
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

375
Mga Konsepto ng TaludtodBuwis na Dapat Bayaran

At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel, ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman, na bawa't lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria. Sa gayo'y ang hari sa Asiria ay bumalik, at hindi tumigil doon sa lupain.

378
Mga Konsepto ng TaludtodSolomon, Templo niPasukan sa TemploInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ng

Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon.

416
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

417
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng IsraelHari ng Juda, Mga

Nang ikadalawangpu't pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda.

447
Mga Konsepto ng TaludtodKutaSabwatan, MgaOpisyalesPalasyo, MgaLimangpuPagpatay sa mga HariHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng IsraelRuben Gad at Kalahating Manases

At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya.

457
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaPagpatay sa mga HariHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia.

463
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng IsraelHari ng Juda, Mga

Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda.

479
Mga Konsepto ng Taludtod50 hanggang 70 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

May labing anim na taon siya nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem.

480
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Buwan at Higit PaTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikatatlongpu't walong taon ni Azarias na hari sa Juda, ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan.

497
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananKinukulongKagalinganIpinatapon, MgaPagkukulong

At sinaktan ng Panginoon ang hari, na anopa't siya'y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan na bukod sa bahay. At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain.

522
Mga Konsepto ng TaludtodIsang BuwanTalaan ng mga Hari ng Israel

Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Uzzia na hari sa Juda; at siya'y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria.

530
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Jotham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

533
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaPagpatay sa mga HariHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa harap ng bayan, at pinatay siya, at naghari na kahalili niya.

568
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga HariHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya.

579
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

597
Mga Konsepto ng TaludtodSinimulang GawainTunay na Pagsalakay sa Jerusalem

Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria, at si Peka na anak ni Remalias.

621
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting mga Hari, Halimbawa ng mgaTinutularan ang mga Mabubuting HariMga Taong Gumawa ng Tama

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia.

643
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanTronoSalita ng DiyosSalita na Natupad sa mga Tao, Mga

Ito ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Jehu, na sinasabi, Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel. At gayon ang nangyari.

650
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ng

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

653
Mga Konsepto ng TaludtodInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At si Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

659
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting mga Hari, Halimbawa ng mgaTinutularan ang mga Mabubuting HariMga Taong Gumawa ng Tama

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

668
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias, at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

673
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaMga Aklat ng Kasaysayan

Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum, at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

701
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

705
Mga Konsepto ng TaludtodInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ng

Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

719
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?