Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 16

2 Mga Hari Rango:

47
Mga Konsepto ng TaludtodPlangganaKaragatanParaan ng Paglilinis

At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato.

81
Mga Konsepto ng TaludtodNalalatagan ng Bato

At ang dakong natatakpan na daan sa sabbath na kanilang itinayo sa bahay, at ang pasukan ng hari na nasa labas, ibinago sa bahay ng Panginoon, dahil sa hari sa Asiria.

190
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda.

193
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Achaz na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda.

233
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

429
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanAltar, PaganongDisenyo

At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria: at nakita ang dambana na nasa Damasco: at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon, ayon sa buong pagkayari niyaon.

435
Mga Konsepto ng TaludtodTunay na Pagsalakay sa JerusalemTalaan ng mga Hari ng IsraelSirya

Nang magkagayo'y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Achaz, nguni't hindi nila nadaig.

452
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangKaalyadoPaanyaya, MgaPaglilingkod sa LipunanKatapatan

Sa gayo'y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asiria, na ipinasabi, Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak: ikaw ay umahon, at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel, na bumabangon laban sa akin.

477
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tinutularan ang Mabuti15 hanggang 20 mga taonGulang nang Kinoronahan

May dalawangpung taon si Achaz nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios, na gaya ni David na kaniyang magulang.

495
Mga Konsepto ng TaludtodIpinatapong mga BanyagaPagpatay sa mga HariPagbihag sa mga Lungsod

At dininig siya ng hari sa Asiria; at ang hari sa Asiria ay umahon laban sa Damasco, at sinakop, at dinala sa Cir ang bayan na bihag, at pinatay si Resin.

499
Mga Konsepto ng TaludtodInialay na mga BataAlay sa Lumang TipanKabanalan ng BuhayPaganong Gawain, MgaPagpatay sa SanggolAng Panginoon ay Pinalayas Sila

Kundi siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, oo, at kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel.

516
Mga Konsepto ng TaludtodPagbihag sa mga LungsodKung Saan ang mga Tao ay Namumuhay Hanggang Ngayon

Nang panahong yaon ay binawi ni Resin na hari sa Siria ang Elath sa Siria at pinalayas ang mga Judio sa Elath: at ang mga taga Siria ay nagsiparoon sa Elath, at tumanan doon, hanggang sa araw na ito.

527

Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote, ayon sa buong iniutos ng haring Achaz.

539
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaSalapi para sa TemploKumuha ng mga Pinahalong Metal

At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ipinadalang kaloob sa hari sa Asiria.

585
Mga Konsepto ng TaludtodAlay sa Tansong Altar

At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote, na sinasabi, Sa ibabaw ng malaking dambana, ay magsunog ka ng handog na susunugin sa umaga, at ng handog na harina sa hapon, at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin, at ang buong dugo ng hain: nguni't ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan.

590
Mga Konsepto ng TaludtodAlay sa Lumang TipanAltarInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPagaalay sa Matataas na DakoPagsamba sa mga Puno

At siya'y naghain, at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy.

627
Mga Konsepto ng TaludtodHilaga ng DambanaAlay sa Tansong Altar

At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay, mula sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon, at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana.

642
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag ng Altar

At si Urias na saserdote ay nagtayo ng isang dambana: ayon sa buong ipinadala ng haring si Achaz mula sa Damasco, gayon ginawa ni Urias na saserdote, bago dumating ang haring Achaz mula sa Damasco.

649
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik

At kaniyang sinunog ang kaniyang handog na susunugin, at ang kaniyang handog na harina, at ibinuhos ang kaniyang inuming handog, at iniwisik ang dugo ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana.

667

At nang dumating ang hari mula sa Damasco, ay nakita ng hari ang dambana: at ang hari ay lumapit sa dambana, at naghandog doon.