Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 17

2 Mga Hari Rango:

13
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiGalit ng Diyos, Dulot ngMaliit na Bilang ng NalabiPinalayas mula sa Presensya ng Diyos

Kaya't ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabag sa Kautusan ng DiyosKautusan

Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa.

58
Mga Konsepto ng TaludtodPinalayas mula sa Presensya ng Diyos

At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel, at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin.

111
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang mga Masasamang Hari

At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan;

131
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng IsraelPamana

Sapagka't kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David, at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat: at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan.

147
Mga Konsepto ng TaludtodWalo o Siyam na TaonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel, at nagharing siyam na taon.

153
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Pinapatay na mgaWalang Takot sa Diyos

At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.

187

Nang magkagayo'y nagutos ang hari sa Asiria, na nagsasabi, Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon; at inyong payaunin at patahanin doon, at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain.

204
Mga Konsepto ng TaludtodPagaalay sa Matataas na DakoGrupo, Mga

Gayon ma'y bawa't bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili, at ipinaglalagay sa mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano, na bawa't bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan.

210
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa AsiryaPagpapatapon sa Israel tungo sa AsiryaPinalayas mula sa Presensya ng DiyosKung Saan ang mga Tao ay Namumuhay Hanggang Ngayon

Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.

220
Mga Konsepto ng TaludtodPaganong Diyus-Diyusan, MgaAlay sa Lumang TipanInialay na mga Bata

At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac, at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa Adrammelech at sa Anammelech, na mga dios ng Sefarvaim.

222

Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon.

231
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa Diyos

Kaya't kanilang sinalita sa hari sa Asiria, na sinasabi, Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria, hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain; kaya't siya'y nagsugo ng mga leon sa gitna nila, at, narito, pinatay sila, sapagka't hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain.

268
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanBulaang Relihiyon hanggang sa Araw na ItoPaglabag sa Kautusan ng DiyosDayuhan, Mga

Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, na kaniyang pinanganlang Israel,

292
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang PagsambaKatapatanPakikibahagi sa KasalananLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingPagdadalawang-IsipNaglilingkod sa Sariling Diyus-diyusan

Sila'y nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila.

294
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang may Takot sa Diyos, Mga

Sa gayo'y nangatakot sila sa Panginoon, at nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako, na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay, na nangasa mga mataas na dako.

342
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaIba't ibang mga Diyus-diyusanTuparin ang Kautusan!Bantayog

At ang mga palatuntunan, at ang mga ayos, at ang kautusan, at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man; at kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios:

366
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkanatatangi ngPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila:

390
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaKolonisasyonPagpapatapon sa Israel tungo sa AsiryaPagbihag sa mga Lungsod

Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo.

403

Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan.

418
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa AsiryaSamaritano, MgaKolonisasyonIpinatapong mga BanyagaPagpapalitan ng mga BansaPampatibay

At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa Hamath at sa Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.

426
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod sa LipunanPagbubuwisYaong Napasailalim sa mga Tao

Laban sa kaniya ay umahon si Salmanasar na hari sa Asiria; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod, at dinalhan siya ng mga kaloob.

460
Mga Konsepto ng TaludtodPagdakipSugo, Mga IpinadalangSugoSabwatan, MgaPagkabilanggoBilanggo, MgaPagbubuwisBilangguan, Mga

At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.

471
Mga Konsepto ng TaludtodIba't ibang mga Diyus-diyusanDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoBakit Iyon Nangyari

At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.

473
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong TaonBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon.

476
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang RelihiyonInialay na mga BataYamutin ang DiyosPagsangguniPaganong Gawain, MgaKatangian ng MasamaPanghuhulaSalamangkaMangkukulam

At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit.

481
Mga Konsepto ng TaludtodPaganong Diyus-Diyusan, MgaAstrolohiyaPagyukodMga GuyaMga Nilalang sa LangitEskulturaBituin, MgaGintong GuyaTalikuran ang mga Bagay ng DiyosDalawang HayopNaglilingkod kay Aserah

At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang Asera, at sinamba ang buong natatanaw sa langit, at nagsipaglingkod kay Baal.

482
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tinutuluran ang Masama

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya.

517
Mga Konsepto ng TaludtodEtika at BiyayaPropeta, Gampanin ng mgaPagsisis, Katangian ngTagakitaKasalanan, Tugo ng Diyos saKinasihan ng Espiritu Santo, Layunin ngDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga PropetaTuparin ang Kautusan!Lumang Tipan, Pahayag ng Inspirasyon saPropeta, Mga

Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta.

540
Mga Konsepto ng TaludtodLihimLihim na mga KasalananPagtatago ng KasalananGumagawa ng Lihim

At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios, at sila'y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan.

542
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPanalangin at PagsambaKarapatanPagsamba, Mga Dahilan ngKalakasan ng DiyosPagyukod sa Harapan ng DiyosMatakot sa Diyos!Diyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Kundi ang Panginoon, na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay, siya ninyong katatakutan, at sa kaniya kayo magsisiyukod, at sa kaniya kayo magsisipaghain.

550
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayBulaang RelihiyonAlinsunodPananalangin, HindiPagtanggi sa DiyosTinutularan ang mga Masasamang TaoTalikuran ang mga Bagay ng DiyosWalang Kabuluhang PagsusumikapPaglabag sa Tipan

At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.

555
Mga Konsepto ng TaludtodPaganong Diyus-Diyusan, Mga

At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth, at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal, at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima,

558
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanAltarBato, MgaObeliskoNaglilingkod kay AserahPagsamba sa mga Puno

At sila'y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga Asera sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy;

575
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan ang DiyosHindi KinakalimutanIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosTipan

At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo, huwag ninyong kalilimutan; ni mangatatakot man kayo sa ibang mga dios:

587
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalinlangan, Bunga ngHindi Pagsisisi, Babala Laban saPakikinigKatigasanHindi Pananalig, Bunga ng Sala ngLeeg, MgaPag-aalinlangan sa DiyosHindi Pananalig sa Diyos

Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios.

595
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Diyus-diyusanDiyos na Nagbabawal

At sila'y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan, na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon, Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito.

604
Mga Konsepto ng TaludtodMga ApoWalang KaranasanHindi MakapagpasyaPagsamba sa Diyus-diyusanBulaang Relihiyon hanggang sa Araw na ItoNaglilingkod sa Sariling Diyus-diyusan

Sa gayo'y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan; ang kanilang mga anak ay gayon din, at ang mga anak ng kanilang mga anak, kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito.

611
Mga Konsepto ng TaludtodPaganoTinutularan ang mga Masasamang TaoAng Panginoon ay Pinalayas Sila

At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa.

674
Mga Konsepto ng TaludtodMatataas na DakoKatiyagaan ng Diyos sa KasamaanYamutin ang DiyosInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPagaalay sa Matataas na Dako

At doo'y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit;

688
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaDiyos na Nagliligtas mula sa mga KaawayMatakot sa Diyos!

Nguni't sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway.