Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Daniel 5

Daniel Rango:

24
Mga Konsepto ng TaludtodMaysala, Takot ngHita, MgaTuhodPahayag ng MukhaKumakatokKaisipan ng MasamaMga Taong NagulatPagkakabuhol

Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag, at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.

44
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonPananamitKadenaGintoTagapamahala, MgaKarunungan, sa Likas ng TaoKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngKulay, Lila naMayamang KasuotanKasuotanGintong KadenaLilang KasuotanGintong PalamutiMamahaling Bato, MgaIkatlong PersonaPagbabasa ng Ibang mga Bagay

Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia, Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno sa kaharian.

60
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungan, sa Likas ng TaoMga Taong Walang Kakayahan na MakaunawaPagbabasa ng Ibang mga BagayHindi Maunawaan

Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon.

72
Mga Konsepto ng TaludtodReynaBulwagan, MgaMga Taong Nagulat

Ang reina, dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan: ang reina ay nagsalita, at nagsabi, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip, o mabago man ang iyong pagmumukha.

94
Mga Konsepto ng TaludtodBagabagTakot sa Hindi MaintindihanPahayag ng MukhaPagkatuliroMga Taong Nagulat

Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan.

97
Mga Konsepto ng TaludtodSalamangka, Pagsasagawa ngPananawAstrologoDiyos na Nagbibigay UnawaSaykiko

May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula;

110
Mga Konsepto ng TaludtodPaliwanag, MgaIsipan ng TaoBugtongKatalinuhan ng Pag-iisipPagkakaalamWastong PagkakaunawaPagpapaliwanag ng WikaMabigat na GawainKahusayanProblema, MgaPagkakabuhol

Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan.

146
Mga Konsepto ng TaludtodBayan ng JudaMga Lolo

Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama?

160
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonTimbang

At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.

182
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na KaliwanaganKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngWastong PagkakaunawaKahusayan

Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo.

190
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonGintoGintong KadenaLilang KasuotanPagpapaliwanag ng WikaMamahaling Bato, MgaIkatlong PersonaPagbabasa ng Ibang mga BagayNagsasabi tungkol sa Kalagayan ng mga TaoPagkakabuhol

Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.

197
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonPagpapaliwanag ng WikaPagbabasa ng Ibang mga BagaySaykiko

At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay.

201
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaDaliri ng DiyosKabahayan, MgaInskripsyonPalasyo, MgaPader, MgaPalitadaKahatulan, Mga Nasusulat naDaliri ng mga TaoDiyos na Sumusulat Gamit ang Kanyang DaliriDiyos, Pakikialam ng

Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.

210
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonWalang GantimpalaPagbabasa ng Ibang mga BagayPagiging Ikaw sa iyong Sarili

Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.

216
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngKapamahalaanDiyos na Nagbibigay LuwalhatiMga LoloHindi Paggalang sa Diyos

Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:

226
Mga Konsepto ng TaludtodPoligamyaPilakBanal na mga SisidlanBanal na Sisidlan, MgaKalapastanganInihatid na mga GintoIba pang mga Asawa

Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.

235
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan ng KaloobanPinatigas na mga PusoPusong Makasalanan at TinubosKapalaluan, Bunga ngKatigasan, Bunga ngPuso ng mga Hindi MananampalatayaKayabangan, Parusa laban saAng Kayabangan ay IbabagsakPagpapaalisPagkawala ng DangalKapalaluanKayabanganMaharlika, Pagka

Nguni't nang ang kaniyang puso ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:

239
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabingiPagkakamali, MgaKeridaGobyernoKasakiman, Hatol saKamay ng DiyosBakalBuhay ng TaoHindi MapanghahawakanUmiinom ng AlakDiyos na Nagbibigay ng HiningaDiyus-diyusan ay hindi NakakakitaPagiging Walang UnawaKalikasan ng DiyosIba pang mga AsawaTemplo, Inalis na mga Kagamitan saKahoy at BatoTansong Diyus-diyusan

Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.

241
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng mga Masama, Halimbawa ngPagpatay sa mga HariSa Parehas ring Oras

Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.

244
Mga Konsepto ng TaludtodHamonHamogGobyernoDamoMga Taong PinalayasNakasusuklam na PagkainTao na Katulad sa mga HayopMaiilap na mga AsnoKapamahalaanPinalayas mula sa mga TaoPagkakaalam tungkol sa Kaharian ng Diyos

At siya'y pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin.

252
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataasPagpayag na PatayinLahat ng mga WikaLahat ng BansaTakot sa Isang TaoPagkadakila

At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.

255
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Tugon ng Mananampalataya saLuging Balik sa KaalamanKapakumbabaan ng SariliMagpakumbaba Ka

At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,

262

At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.

267
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosInskripsyon

Nang magkagayo'y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.

269
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng Kabagsakan

PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKadenaMga Utos sa Lumang TipanPalamutiPagtataasGintong KadenaLilang KasuotanMamahaling Bato, MgaIkatlong Persona

Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian.

271
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanPagpapaliwanag ng WikaMga Taong NagwakasLahat ng Buhay ay Umaasa sa Diyos

Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.

272
Mga Konsepto ng TaludtodGintong Gamit sa TabernakuloIba pang mga Asawa

Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae.

274
Mga Konsepto ng TaludtodGintoBakalPagkalasenggo, Halimbawa ngTansoUmiinom ng AlakKahoy at BatoTansong Diyus-diyusan

Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.

294
Mga Konsepto ng TaludtodHandaan, Dahilan ngKatakawanPistahanAlkoholPagdiriwang, MgaHapunanIsanglibong mga TaoUmiinom ng AlakAnibersaryo ng mga Pista, Ang

Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo.