24 Bible Verses about Bagabag

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Philippians 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

1 Peter 5:7

Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.

John 14:1

Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.

Hebrews 13:5

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Isaiah 40:10

Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

Hebrews 6:19

Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing;

Job 22:21-22

Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo. Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.

Psalm 94:18-19

Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.

2 Timothy 1:7

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Proverbs 12:25

Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.

Psalm 102:2

Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.

Jonah 2:2

At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.

2 Samuel 22:7

Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.

Job 30:27

Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.

Psalm 120:1

Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.

Psalm 94:19

Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.

Psalm 107:6

Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.

Psalm 119:143

Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.

John 16:33

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

2 Corinthians 4:8-10

Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa; Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira; Laging saan ma'y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.

Psalm 61:2-3

Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway.

Psalm 29:11

Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a