Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Daniel 9

Daniel Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Kaugnayan ni Cristo saPagkayariDiyos na Walang HangganHuling mga ArawTatak, MgaLinggo, MgaPaglalagay ng KatuwiranPinahiran, AngPitumpuIsangdaang taon at higit paWalang Hanggang PagpapalaTinatakan ang MensahePangitain mula sa DiyosPropesiya, Binuwag naKatapusan ng mga GawaPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagayBanal na LungsodPagkakasundoTinatapos

Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.

2
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamKapighatian, Panahon ngKasuklamsuklam na PaniniraTatlo at Kalahating TaonPitong TaonAng TagapagwasakIsrael na nasa KapighatianKapayapaan at KaligtasanAng Pinuno ng Sanlibutan

At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

7
Mga Konsepto ng TaludtodKasulatan, Katuruan ngDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga Propeta

Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.

9
Mga Konsepto ng TaludtodPitoPangalan at Titulo para kay CristoMessias, Propesiya tungkol sa40 hanggang 50 mga taonLungsod, PunongCristo, Pinagmulan niMuling Pagtatatag ng JerusalemTubig, Daluyan ngPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanMuling Pagtatatag

Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag.

13
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saLingkod ng PanginoonAng Sumpa ng KautusanHindi Nila Tinupad ang mga UtosKami ay NagkasalaNasusulat sa Kautusan

Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.

14
Mga Konsepto ng TaludtodBaha, AngWalaIsangdaang taon at higit paPagkawasak ng mga TemploHula sa Kamatayan ni CristoCristo, Pinagmulan niApat na Mangangabayo ng Apokalupsis

At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.

30
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga PangyayariTapat na SalitaDiyos, Sinaktan sila ng

At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin, sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.

39
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngKasiyahan sa SariliPananalangin, HindiNasusulat sa KautusanPaghahanap sa Lingap ng DiyosMalapitan

Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan.

43
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katuwiran ngPagaalanganDiyos, Kamalig ngDiyos na Gumagawa ng TamaPagsasagawa ng TamaDiyos, Sinaktan sila ngKalamidad

Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.

53
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay Lugod sa DiyosBanal na KaluguranDiyos na Nagbibigay LiwanagDinggin ang Panalangin!Makinig ka O Diyos!Kahilingan

Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon.

63
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKamay ng DiyosKalakasan ng DiyosHanggang sa Araw na ItoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoKami ay Nagkasala

At ngayon, Oh Panginoon naming Dios, na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito; kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa na may kasamaan.

69
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodDiyos, Katuwiran ngKaburulanAyon sa Bagay-BagayDiyos na Gumagawa ng Tama sa Kanyang BayanHuwag Hayaan na Magalit ang DiyosGalit at Pagpapatawad

Oh Panginoon, ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.

74
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapaliban ng TaoDiyos na NakikinigDiyos na Hindi MaliliwatAno ang Ginagawa ng DiyosDiyos na NagpapatawadMakinig ka O Diyos!Tinawag sa Pangalan ng DiyosPagpapatawad sa SariliPakikinig sa Diyos

Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.

85
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiIsipan ng DiyosKatuwiran sa PananampalatayaPagbabantay ng DiyosDiyos na NakikinigMga Taong may KatuwiranMakinig ka O Diyos!Lugar para sa Pangalan ng Diyos

Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan.

112
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng PagpapahayagPaninindigan sa DiyosKasalanan, Ipinahayag naDiyos na Dapat KatakutanDiyos na Tumutupad ng TipanKapahayagan ng KasalananPagpapahayag

At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,

124
Mga Konsepto ng TaludtodKaunawaanDiyos na Nagbibigay UnawaGabriel

At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan.

133
Mga Konsepto ng TaludtodSinimulang GawainDiyos na Sumasagot ng mga PanalanginGabrielPagsusumamoKahilingan

Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain.

181
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saKami ay NagkasalaPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;

247
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalat, AngSariling Katuwiran at ang EbanghelyoHindi Tapat sa DiyosMga Taong IpinataponKahihiyan ay DumatingHindi Tapat

Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.

249
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyan ay DumatingKami ay Nagkasala

Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

268
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaPropesiya na BinalewalaPagsasalita na Galing sa Diyos

Na hindi man kami nangakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.

287
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamahala, Mga

Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;

299
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasaPananawPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanPropeta, Gampanin ng mgaKaunawaanSalita ng DiyosPitumpu70 hanggang 80 mga taonPagkawasak ng JerusalemKatapusan ng mga GawaMga Aklat ng PropesiyaPinangalanang mga Propeta ng PanginoonAbraham, Tipan kayPagbabasa ng BibliaMga NakamitNakamit

Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.

314
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Dahilan ngKasalanan, Ipinahayag naDiyos na Sumasagot ng mga PanalanginPagpapahayagGabriel

At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios;

324
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayagPanalangin sa Oras ng KabigatanLumilipadGabriel

Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon.