Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 19

Deuteronomio Rango:

123
Mga Konsepto ng TaludtodTakot ay Nararapat

At maririnig niyaong mga natitira at matatakot, at hindi na sila magkakamit pa ng gayong kasamaan sa gitna mo.

164
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na HatolMata, Nasaktang mgaHukuman, Parusa ngTao, NaghihigantingHuwag Magpakita ng AwaMata sa MataMata, MgaKahabaghabag

At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.

379
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduan, Legal naKatibayanTatlong SaksiHindi PagkakasundoPagpatayPatunay bilang KatibayanKarapatanSaksi, Naayon sa Batas na mgaIsang Tao LamangHindi NagiisaDalawa o TatloSalaPagsaksiPagiging Walang AsawaPatotooPagpapatotooAkusa

Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap.

564
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, MgaKahihinatnanPagpapatotooAkusaPagtalikod sa Pananampalataya

Kung ang isang sinungaling na saksi ay tumindig laban sa kanino man upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa,

572
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at KamatayanPapatayin ng Diyos ang mga Tao

Pagka ihihiwalay ng Panginoon mong Dios ang mga bansa, na lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at hahalili ka sa kanila, at iyong tatahanan ang kanilang mga bayan, at ang kanilang mga bahay;

676
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatayPagpatay sa TaoHindi NagagalitHindi Sinasadya

At ito ang bagay ng nakamatay tao, na tatakas doon at mabubuhay: sinomang makapatay sa kaniyang kapuwa ng di sinasadya, at hindi niya kinapopootan ng panahong nakaraan;

713
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananTatlong Lungsod

Ay maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin.

732
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihintayMga Taong NaghihintayHinatulan bilang Mamamatay Tao

Nguni't kung ang sinoman ay mapoot sa kaniyang kapuwa, at pag-abangan niya siya, at siya'y tumindig laban sa kaniya, at saktan niya siya ng malubha, na anopa't mamatay; at siya'y tumakas sa isa sa mga bayang ito:

740
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponKasalanan, Hatol ng Diyos saPatas na Hatol

Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

752
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Pananagutan ng DiyosWalang Muwang na DugoPagpapadanakPananagutan sa Dumanak na Dugo

Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng Panginoon mong Dios, at sa gayo'y maging salarin ka sa iyo.

776
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanKagamitanKahoyKagamitan ng KarpenteroNatumbang mga PunoMatatalim na mga GamitBakal na mga Bagay

Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopa't mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya'y mabubuhay:

784
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbestiga

At sisiyasating masikap ng mga hukom: at, narito, kung ang saksi ay saksing sinungaling, at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid;

855
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanNakatayo

Ang dalawang taong naguusapin ay tatayo sa harap ng Panginoon, sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom sa mga araw na yaon;

862
Mga Konsepto ng TaludtodLugar para sa mga May Sakit sa IsipPagsasagawa ng mga KalyeHinati sa Tatlong Bagay

Ikaw ay maghahanda sa iyo ng daan, at pagtatluhin mong bahagi ang mga hangganan ng iyong lupain, na ipinamamana sa iyo ng Panginoon mong Dios, upang matakasan ng bawa't nakamatay tao.

868
Mga Konsepto ng TaludtodTao, NaghihigantingHindi NagagalitKamatayan ng isang Kaanib ng Pamilya

Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan.

870
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong LungsodPaglalakad sa Daan ng DiyosKung Susundin Ninyo ang KautusanAng Pangangailangan na Ibigin ang Diyos

Kung iyong isasagawa ang buong utos na ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon mong Dios, at lumakad kailan man sa kaniyang mga daan; ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong bayan sa iyo, bukod sa tatlong ito:

875
Mga Konsepto ng TaludtodBayanTao, Naghihiganting

Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y mamatay.

895
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Magpakita ng AwaKahabaghabag

Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya; kundi aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala, upang ikabuti mo.

902
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalawakHangganan

At kung palakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang;

953
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Lungsod

Kaya't iniuutos ko sa iyo, na sinasabi, Maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan.