Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 20

Deuteronomio Rango:

414
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod na SinasalakayWalang Awang PagpatayHumihingaHiningaLipulin ang Lahi

Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:

457
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanNagtitiwala sa Presensya ng DiyosPag-aalinlangan, Pagtugon saKarwaheDiyos ay Nasa Lahat ng DakoSandata, MgaKakaunting BilangDiyos na nasa IyoMaraming KaawayHuwag Matakot sa TaoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoPrinsipyo ng Digmaan, MgaDigmaanLabananSandatahang-Lakas

Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng mga kabayo, at mga karo, at ng isang bayang higit kay sa iyo, ay huwag kang matatakot sa kanila: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto.

459
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod na SinasalakayPakikipagkasundo sa KaawayPagsuko

Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon.

480
Mga Konsepto ng TaludtodPaggalang sa KapaligiranPagpapahalaga sa KalikasanKutaPuno, MgaNatumbang mga PunoMatatalim na mga GamitSirain ang mga Puno

Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo?

619
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanAgrikultura, PaghihigpitPosibilidad ng KamatayanPagtatalagaPaglipat sa Bagong Lugar

At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan, na sasabihin, Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga.

626
Mga Konsepto ng TaludtodPaglipolLipulin ang Lahi

Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.

663
Mga Konsepto ng TaludtodKamataya ng lahat ng LalakeWalang Awang Pagpatay

At pagka ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa't lalake niyaon ng talim ng tabak:

671
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanDiyos na nasa IyoDiyos na Nagliligtas mula sa mga KaawayPagpapakasakitDigmaanNagtitiwala sa Plano ng DiyosPagiingat sa mga KaawayLabanan

Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas.

690
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag, LiteralNatumbang mga PunoSirain ang mga Puno

Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na nakakain, ang iyong sisirain at ibubuwal; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang nakikibaka sa iyo, hanggang sa maibuwal mo.

699
Mga Konsepto ng TaludtodSamsam sa DigmaanTuntunin tungkol SamsamPamilya, Kaguluhan sa

Nguni't ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

700
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanPagkabalisa, Mga Halimbawa ngHuwag Matakot sa Tao

At magsasabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, kayo'y lumapit sa araw na ito sa pakikibaka laban sa inyong mga kaaway: huwag manglupaypay ang inyong puso; huwag kayong matakot, ni manginig, ni maduwag dahil sa kanila.

715
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanKaruwaganMasamang UgaliNahimatayPanghihina ng KaloobanTakot sa mga KaawayTakot at KabalisahanNatatakot

At muling magsasalita ang mga puno sa bayan, at kanilang sasabihin, Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso.

729
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang Tipan

At mangyayari paglapit ninyo sa pakikibaka, na ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan.

734
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanTipan ng PagpapakasalPag-aasawa, Kaugalian tungkol saPagiging IsaUgnayanPosibilidad ng KamatayanPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at Babae

At sinong lalake ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka, at ibang lalake ang kumuha sa kaniyang asawa.

835
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodPagkubkob, MgaAng mga Bansa na Sinalakay

At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya:

837
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanKasiyahan sa mga Materyal na BagayKasiyahanUbasanPagtatanim ng UbasanPagbubungkalPosibilidad ng Kamatayan

At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon.

846
Mga Konsepto ng TaludtodMaling TuroHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusan

Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga dios; na anopa't kayo'y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios.

847
Mga Konsepto ng TaludtodSapilitang PaggawaPakikipagkasundo sa Kaaway

At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglilingkod sa iyo.

880
Mga Konsepto ng TaludtodMalayo mula rito

Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.

917

At mangyayari, pagka ang mga pinuno ay natapos nang makapanalita sa bayan, na sila'y maghahalal ng mga kapitan ng mga hukbo sa unahan ng bayan.