Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 21

Deuteronomio Rango:

82
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanNakabitinMga Taong Binitay

Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;

374
Mga Konsepto ng TaludtodIpagkatiwala sa Kamay ng Iba

Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag,

411
Mga Konsepto ng TaludtodIsang AsawaGalitAsawang BabaePagmamahal sa mga Bata

Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan:

450
Mga Konsepto ng TaludtodSinumpa, AngBitayanNakabitinKahihiyanPagpatayKarumihan, MgaMagdamagAng Sumpa ng KautusanMga Taong BinitayLibingan

Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.

458
Mga Konsepto ng TaludtodKorteWalang Alam sa mga Tao

Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya:

597
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholHindi Paggalang sa mga MagulangMga Batang Hindi MapagpasalamatMatitigas na Ulo, MgaInakusahan ng PaglalasingPaghihimagsikLasenggero

At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing.

599
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaPag-aasawa na PinahintulutanKababaihan, Kagandahan ng mgaAsawang BabaeBabaeMagandang Babae

At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa,

607
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaDobleng Mana

Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.

691
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Babala laban saIpataponKaparusahan, Legal na Aspeto ngSariling KaloobanMga Batang Hindi MapagpasalamatTakot ay NararapatTagubilin tungkol sa Pagbato

At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.

709
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Pananagutan saBasbasSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanMga Taong Kasama sa KahatulanMga Tao, Pagpapala sa

At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:

712

Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay:

730
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakPagsamo, Inosenteng

At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata.

762
Mga Konsepto ng TaludtodBayanPamatokDumalagang BakaHindi Nagagamit

At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok;

771

Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.

787
Mga Konsepto ng TaludtodDiborsyo sa mga MananampalatayaIwasan ang Diborsyo

At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya.

804
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aaring LupaKarapatan ng Panganay

Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;

810
Mga Konsepto ng TaludtodKalasin

At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis:

831
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalbo, Hindi Likas naPagkakalboUlo, MgaPag-ahitDaliri, Kuko sa mgaRelasyon sa Kasintahang LalakeBuhokMga Kaibigang Lalake

Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko;

858
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanPagdating sa Tarangkahan

Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;

864
Mga Konsepto ng TaludtodDumadaloy na TubigKalasinHindi Nagagamit

At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis:

865
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanIsang BuwanTinatangisan ang KamatayanNaiibang Kasuotan

At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa.

900
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosPagtanggap mula sa DiyosPagtanggap ng DiyosKaparusahanDiyos, Patatawarin sila ng

Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila.