Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 22

Deuteronomio Rango:

81
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa TarangkahanTagubilin tungkol sa Pagbato

Ay inyo ngang ilalabas kapuwa sila sa pintuan ng bayang yaon, at inyong babatuhin sila ng mga bato upang sila'y mamatay; ang babae, sapagka't di siya sumigaw, ay nasa bayan; at ang lalake, sapagka't pinangayupapa ang asawa ng kaniyang kapuwa: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

204

Nguni't sa babae ay huwag kang gagawa ng anoman, wala sa babaing yaon ang anomang kasalanang marapat ikamatay: sapagka't gaya ng kung ang isang lalake ay bumabangon laban sa kaniyang kapuwa, at pinapatay niya siya, ay gayon din ang bagay na ito:

299
Mga Konsepto ng TaludtodParusang Kamatayan

Nguni't kung masumpungan sa parang ng lalake ang isang dalagang magaasawa, at dahasin ng lalake siya, at sumiping sa kaniya; ang lalake nga lamang na sumiping sa kaniya ang papatayin:

380
Mga Konsepto ng TaludtodPanggagahasaKautusan tungkol sa PagtatalikKabataang Mag-asawaPag-aasawaBirhen, Pagka

Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan;

436
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan ang DiborsyoPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at BabaePagtatalik Bago ang KasalPag-aasawaBago Mag-asawaBirhen, Pagka

Ang lalake nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak, at siya'y magiging kaniyang asawa, sapagka't kaniyang pinangayupapa siya; hindi niya mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan.

439
Mga Konsepto ng TaludtodPagsagip

Sapagka't nasumpungan niya siya sa parang, ang dalagang magaasawa ay sumigaw, at walang magligtas sa kaniya.

442
Mga Konsepto ng TaludtodKautusan tungkol sa PagtatalikParusang Kamatayan laban sa KahalayanPagtatalik Bago ang KasalSeksuwal na KadalisayanBirhen, Pagka

Kung ang isang dalagang magaasawa sa isang lalake, at masumpungan siya ng isang lalake sa bayan, at sumiping sa kaniya;

500
Mga Konsepto ng TaludtodPugadItlog, MgaWalang KabaitanHayop, Kabagsikan sa mgaHayop, Karapatan ngBatang HayopIbon, MgaTalon, Mga

Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan, sa anomang punong kahoy, o sa lupa, na may mga inakay, o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay, o sa mga itlog, ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay:

523
Mga Konsepto ng TaludtodMay Isang NawawalaPaglalagalag

Huwag mong makikitang naliligaw ang baka ng iyong kapatid o ang kaniyang tupa, at ikaw ay magkukubli sa mga yaon: iyo ngang ibabalik sa iyong kapatid.

534
Mga Konsepto ng TaludtodBirhen, Pagka

Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga;

545
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanIpataponKaparusahan, Legal na Aspeto ngParusang Kamatayan laban sa KahalayanTagubilin tungkol sa PagbatoPagtatalikKamatayan ng isang InaKamatayan ng isang AmaPagtatalik Bago ang KasalPamilya, Kamatayan saAma at ang Kanyang Anak na BabaeAma at ang Kanyang mga Anak na BabaeKeridaBago Mag-asawaBayarang BabaeBirhen, Pagka

Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: sapagka't nagkasala siya ng kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay ng kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

571
Mga Konsepto ng TaludtodBubunganArkitekturaKabahayan, MgaKabanalan ng BuhayMuog TanggulanMga Taong Nahulog mula sa Mataas na DakoSalaKonstruksyon

Pagka ikaw ay magtatayo ng isang bagong bahay, ay igagawa mo nga ng isang halang ang iyong bubungan, upang huwag kang magtaglay ng sala ng dugo sa iyong bahay, kung ang sinomang tao ay mahulog mula roon.

578
Mga Konsepto ng TaludtodPananimBinhiPagtatanim at PagaaniUbasanHinalo Halong mga MateryalesPagtatanim ng mga BinhiPagsasakaBinhi, MgaPagtatanim ng mga BinhiNegatiboPagtatanim

Huwag mong tatamnan ang iyong ubasan ng dalawang magkaibang binhi: baka ang buong bunga ay masira, ang binhi na iyong inihasik at ang bunga ng ubasan.

582
Mga Konsepto ng TaludtodTirintasApat na SulokPalawit ng DamitHinalo Halong mga MateryalesApat na GilidPananamit

Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo.

644
Mga Konsepto ng TaludtodPaggalang sa KapaligiranPananagutan sa Daigdig ng DiyosKalsadaHayop, Nahuhulog na mga

Huwag mong makikitang napahiga sa daan ang asno ng iyong kapatid o ang kaniyang baka at ikaw ay magkukubli sa mga yaon; iyo ngang tutulungan siya upang itindig sila uli.

736
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Alam sa mga TaoMalayo mula rito

At kung ang iyong kapatid ay hindi malapit sa iyo, o kung hindi mo siya nakikilala, ay iyo ngang iuuwi sa iyong bahay, at mapapasaiyo hanggang sa hanapin ng iyong kapatid, at iyong isasauli sa kaniya.

737
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoIwasan ang DiborsyoBayad Bilang Parusa

At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan.

836
Mga Konsepto ng TaludtodBayanPagdating sa TarangkahanBirhen, Pagka

Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;

841

At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya:

851
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Buhay ngPaano Mabuhay ng Matagal

Sa anomang paraan, ay iyong pawawalan ang inahin, nguni't ang inakay ay makukuha mong sa iyo; upang ikabuti mo at upang tumagal ang iyong mga araw.

871
Mga Konsepto ng TaludtodTagubilin tungkol sa PananamitWalang Kalugihan

At gayon ang iyong gagawin sa kaniyang asno; at gayon ang iyong gagawin sa kaniyang damit, at gayon ang iyong gagawin sa bawa't nawalang bagay ng iyong kapatid, na nawala sa kaniya at iyong nasumpungan: huwag kang magkukubli.

887
Mga Konsepto ng TaludtodPaghagupitHukuman, Parusa ng

At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya;

912
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging IsaPagbibigay sa Buhay May AsawaPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at BabaePag-aasawaAma at ang Kanyang mga Anak na Babae

At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya;

935
Mga Konsepto ng TaludtodNaiibang KasuotanAkusaBirhen, Pagka

At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan.