29 Talata sa Bibliya tungkol sa Disiplinadong Bata
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.
Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway:
Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.
Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?
Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.
Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:
Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay?
At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita ng parusa ng Panginoon ninyong Dios ng kaniyang kadakilaan, ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig,
Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.
At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;
Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
Mga Katulad na Paksa
- Abuso sa Kapangyarihan, Babala laban sa
- Ama at ang Kanyang mga Anak na Lalake
- Ama, Malasakit ng
- Ama, Mga Pananagutan ng mga
- Anak, Mga
- Anibersaryo, Mga
- Bata, Mga
- Disiplina
- Disiplina ng Diyos
- Disiplina sa Pamilya
- Disiplinang Mula sa Diyos
- Diyos na Humihingi sa Kanila
- Ebanghelista, Pagkatao ng
- Edukasyon
- Edukasyon sa Tahanan
- Etika, Personal na
- Galit
- Galit ng Tao, Sanhi
- Guro, Mga
- Halimbawa ng Pagibig ng Ama
- Halimbawa ng Pagibig ng Ina
- Hindi Namamatay
- Hindi Paglago
- Ina, Mga
- Ina, Pagibig sa Kanyang mga Anak
- Ina, Pagibig sa mga Anak
- Ina, Tungkulin ng mga
- Kahangalan, Epekto ng
- Kahihiyan ng Masamang Asal
- Kamatayan na Naiwasan
- Kamatayan ng isang Ama
- Kamatayan ng isang Bata
- Kamatayan ng isang Ina
- Kapabayaan sa Tungkulin
- Kapamahalaan sa Loob ng Pamilya, Uri ng
- Kaparusahan
- Karapatan
- Kawalang Katarungan, Halimbawa ng
- Kawalang-Pagasa
- Krimen
- Mabubuting mga Anak
- Magulang na Mali
- Magulang sa mga Anak, Tungkulin ng
- Magulang, Disiplina ng
- Magulang, Pagiging
- Magulang, Pagmamahal ng
- Magulang, Pagmamahal ng mga
- Magulang, Tungkulin ng mga
- Maiksing Panahon para Kumilos
- Mapag-abusong Magulang
- Mapagalimura
- Mapagkontrol na Magulang
- Mapangalaga sa mga Bata
- Masamang Ugali
- Masamang mga Anak
- Masamang mga Magulang
- Mga Bata, Dapat Tratuhin na…
- Mga Bata, Pagdidisiplina sa
- Mga Bata, Pangangailangan ng
- Mga Batang Mabuti
- Mga Ulo ng Pamilya
- Pag-aanunsiyo
- Pagasa
- Pagasa, Katangian ng
- Paggalang sa Magulang
- Paggalang sa Sangkatauhan
- Pagibig, at ang Mundo
- Pagiging Ama
- Pagiging Bata
- Pagiging Guro
- Pagiging Ina
- Pagiging Ina
- Pagiging Mabuting Ama
- Pagiging Magulang
- Pagiging Magulang
- Pagkabata
- Pagmamagulang
- Pagmamahal sa Magulang
- Pagmamahal sa mga Bata
- Pagpapalaki ng Bata
- Pagpapalaki ng mga Bata
- Pagpapasakop
- Pagsasanay
- Pagsasanay sa mga Bata
- Pagsasanay sa mga Kabataan
- Pagsaway
- Pagtanggap ng Turo
- Pagtutuwid
- Pakikinig
- Pakikitungo sa mga Rebeldeng Anak
- Pamamalo
- Pamamalo
- Pamilya, Pagkakaisa sa
- Pamilya, Pagsamba sa
- Pananagutan sa Daigdig ng Diyos
- Pangaabuso sa Bata
- Pangangalaga
- Patnubay mula sa mga MakaDiyos na Tao
- Payo sa Mapanakit sa Tao
- Payo sa mga Magulang
- Pinahihirapang mga Banal
- Pintas
- Poot
- Salita ng Diyos ay Nagbibigay Karunungan
- Sanggol, Mga
- Sanggol, Pagtatalaga sa
- Saway
- Sinasaway ang mga Tao
- Tagubilin sa mga Bata
- Tanggihan ang Saway
- Tatay
- Tungkod
- Ugali sa iyong Ina
- Walang Karanasan
- Yamutin