Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 33

Deuteronomio Rango:

434
Mga Konsepto ng TaludtodTimogSampu-sampung LiboLibo Libong mga Anghel na Sumasamba sa Diyos

At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.

475
Mga Konsepto ng TaludtodTao ng DiyosMga Taong Pinagpala ang Iba

At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises, tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.

507
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayToroSungay, MgaLibo LiboSungay, Matagumpay naTumutulakMaiilap na mga BakaMakapangyarihang mga TaoKabayong may Sungay

Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro: Siya niyang ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa: At sila ang laksa-laksa ng Ephraim, At sila ang libolibo ng Manases.

539
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanPagsubokAng Urim at TumimUrim at Tunim

At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi, Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong banal, Na siyang iyong sinubok sa Massa, Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;

574
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkanatatangi ngSeguridadTheokrasiyaDiyos na SumasakayWalang Sinuman na Gaya ng DiyosKahusayanUlap, Mga

Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun, Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo, At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.

593
Mga Konsepto ng TaludtodTugon sa Kawalang KatiyakanKapahingahan, Pisikal naKaligtasanBalikatPagibig ng Diyos sa Israel

Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.

605
Mga Konsepto ng TaludtodHamog

At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain, Sa mga mahalagang bagay ng langit, sa hamog, At sa kalaliman na nasa ilalim niya,

652
Mga Konsepto ng TaludtodProbisyon ng LangisPangangalaga sa PaaPagtanggapAnak, Pagpapala ang Mga

At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser, Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid, At ilubog ang kaniyang paa sa langis.

653
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MatulunginMatataas na DakoKanlunganSanggalangEspirituwal na Digmaan, Baluti saEspada, MgaDiyos na ating SanggalangNatatanging IsraelDiyos na Tumutulong!Diyos, Espada ngKahusayan

Maginhawa ka, Oh Israel: Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, Ng kalasag na iyong tulong, At siyang tabak ng iyong karangalan! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo: At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.

660
Mga Konsepto ng TaludtodBatang HayopGaya ng mga Nilalang

At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi, Ang Dan ay anak ng leon, Na lumukso mula sa Basan.

668
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa BuhayMarami sa Israel

Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay; Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.

721
Mga Konsepto ng TaludtodUmiinomTrigoAlak

At ang Israel ay tumatahang tiwala, Ang bukal ng Jacob na nagiisa, Sa isang lupain ng trigo at alak; Oo't, ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog.

749
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saPagyukodPagibig ng Diyos sa IsraelTuntunin

Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.

755
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaPrinsipe, Mga

At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon, At ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy: Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran, At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.

766
Mga Konsepto ng TaludtodTheokrasiyaPagtitipon ng mga Pinuno

At siya'y hari sa Jeshurun, Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan, Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.

767

At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi, Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas; At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.

779
Mga Konsepto ng TaludtodDoktrina, ItinurongSinunog na AlayPunong Saserdote sa Lumang TipanInsensoPagtuturo ng Daan ng Diyos

Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan, At ng iyong mga kautusan, sa Israel; Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.

803
Mga Konsepto ng TaludtodPabayaan ang mga TaoHindi Gumagalang sa MagulangIna at Anak na Lalake

Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, Hindi ko siya nakita; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid, Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak; Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita, At ginaganap ang iyong tipan.

849
Mga Konsepto ng TaludtodTribo ng IsraelDiyos Ko, Tulong!Makinig ka O Diyos!

At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi, Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda, At padatnin mo sa kaniyang bayan: Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.

872
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatan, Nakatira sa

Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok; Doo'y maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran: Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat, At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.

886
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalawakGaya ng mga Nilalang

At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi, Pagpalain yaong magpalaki sa Gad: Siya'y tumatahan parang isang leona, At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.

889
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigay, Diyos naBiyaya sa Lumang TipanMasagana sa Pamamagitan ng DiyosPinagpala ng DiyosLawa

At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi, Oh Nephtali, busog ng lingap, At puspos ng pagpapala ng Panginoon: Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.

903

Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik, At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya, At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.

916
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili ng mga Bagay

At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagka't doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siya'y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.

930
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawMatabang LupainArawPagbabago at PaglagoAraw, Sikat ngAng BuwanPanahon, Nagbabagong

At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw, At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,

936
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanWalang Hanggang Daigdig

At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok, At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan,