Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 5

Deuteronomio Rango:

34
Mga Konsepto ng TaludtodAng Panginoon ay DiyosDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

65
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Personal naPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngGaya ng mga NilalangPag-Iwas sa Diyus-diyusanWangis

Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

72
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiUgali ng Diyos sa mga TaoDiyos, Sigasig ngKasalanan, Hatol ng Diyos saPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngDiyos, Paninibugho ngKasalanan ng mga MagulangPag-Iwas sa Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosPagkagalit sa Diyos

Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;

97
Mga Konsepto ng TaludtodMapagkakatiwalaanBunga ng Pagsunod sa KautusanPagibig at Pamilya

At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

99
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang PananalitaEtika, Personal naDiyos na PanginoonKautusan, Sampung Utos saPanata ng TaoPaggalang sa Katangian ng DiyosTalumpati, Masamang Aspeto ngSinusumpaPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosMaling Gamit sa Pangalan ng Diyos

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

105
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod sa LipunanTrabaho at PahingaDayuhanAng Ikapitong Araw ng LinggoMga Banyaga na Kasama sa KautusanAraw, IkapitongWalang Trabaho sa Araw ng PistaTuntunin para sa Lalake at Babae

Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.

144
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPagpapakita ng Diyos sa ApoyNamumuhay sa kabila ng Presensya ng Diyos

Sapagka't sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buhay na Dios na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay?

146
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saDiyos bilang ManunubosKamay ng DiyosIpinagdiriwang na ArawPagalaalaPagkabihag ng IsraelMapag-abusong MagulangBisig ng DiyosKamay ng DiyosGrupo ng mga AlipinTinutupad ang SabbathDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath.

185
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbot, Utos laban saAgrikultura, PaghihigpitHangarin, MgaKasakiman, Tugon ng Mananampalataya saKautusan, Sampung Utos saMateryalismo bilang Aspeto ng KasalananNamumuhay sa mga KabahayanLingkod ng mga taoPag-aasawa, Kontroladong

Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa, ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang aliping lalake, o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

223
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonBato, MgaTapyas ng BatoTinig, MgaPagdaragdag sa DiyosPagpapakita ng Diyos sa ApoyDalawang Tapyas ng Bato

Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.

252
Mga Konsepto ng TaludtodApoy na Nagmumula sa DiyosPakikinig sa Tinig ng Diyos

At nangyari, nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy, ay lumapit kayo sa akin, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi, at ang inyong mga matanda;

282
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngKaluwalhatian ng DiyosPagpapakita ng Diyos sa ApoyNamumuhay sa kabila ng Presensya ng DiyosPagkadakila

At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao, at siya'y buhay.

297
Mga Konsepto ng TaludtodTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

Ang Panginoong ating Dios ay nakipagtipan sa atin sa Horeb.

312
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamagitanSalita ng DiyosTakot, Sanhi ngTakot sa Hindi MaintindihanApoy na Nagmumula sa DiyosYaong Natatakot sa Diyos

(Ako'y tumayo sa pagitan ng Panginoon at ninyo nang panahong yaon, upang ipatalastas sa inyo ang salita ng Panginoon: sapagka't kayo'y natatakot dahil sa apoy, at hindi kayo sumampa sa bundok;) na sinasabi,

313
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosApoy na Nagmumula sa DiyosPanganib

Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito: kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga kami.

318
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamagitanTheokrasiyaPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng DiyosPakikinig sa Diyos

Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios: at iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios; at aming didinggin, at gagawin.

319
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay Pansin sa Kanila

At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, nang kayo'y magsalita sa akin; at sinabi ng Panginoon sa akin, Aking narinig ang tinig ng mga salita ng bayang ito, na kanilang sinalita sa iyo; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinalita.

336
Mga Konsepto ng TaludtodNinunoTipan

Hindi pinagtibay ng Panginoon ang tipang ito sa ating mga magulang, kundi sa atin, sa atin ngang nangariritong lahat na buhay sa araw na ito.

341
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilala sa Kasalanan

Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin.

363

Yumaon ka, sabihin mo sa kanila, Magsibalik kayo sa inyong mga tolda.

389
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Personal naBanal na mga PanahonSabbath, Pangingilin sa

Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.

451
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonPagdidisupulo, Katangian ngPagkatuto mula sa Ibang mga TaoPakikinigKasalukuyan, AngTuparin ang Kautusan!

At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila.

487
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa PanginoonNagsisisiMapagtanggap na PusoMatakot sa Diyos!Tuparin ang Kautusan!

Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila'y matakot sa akin, at kanilang ingatan kailan man ang lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man!

562
Mga Konsepto ng TaludtodPansamantalang Pagpapala, MgaPamamaraan ng DiyosMatandang Edad, Pagkamit ngMaayos na Turo sa Lumang TipanPaglalakadPaano Mabuhay ng MatagalBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanMahabang BuhayMasunurin

Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.

579
Mga Konsepto ng TaludtodMaayos na Turo sa Lumang TipanSulongHindi Lumiliko

Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.