Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 6

Deuteronomio Rango:

5
Mga Konsepto ng TaludtodMapagtanggap na Puso

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;

21
Mga Konsepto ng TaludtodNooDaliri, MgaNakisama sa KabutihanTatak sa mga Tao, Mga

At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.

26
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulatPagsusulat sa isang BagayPagmamagulang

At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.

31
Mga Konsepto ng TaludtodIsipan ng DiyosBantayogKautusan

Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:

49
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodKalakihanPagtatatag ng mga LungsodAng Lupang PangakoLungsod sa IsraelDiyos na Nagbigay ng Lupain

At mangyayari, pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, upang ibigay sa iyo; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo,

79
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutanBinigyang BabalaGrupo ng mga AlipinDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoPangaalipin

At magingat ka nga, baka iyong malimutan ang Panginoon, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

80
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga LugarPagtatanim ng UbasanHalamananPagbubungkalNamumuhay sa mga KabahayanOlibo, Puno ng

At mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, na hindi mo pinuno, at mga balong hukay na hindi mo hinukay, mga ubasan at mga puno ng olibo, na hindi mo itinanim, at iyong kakanin at ikaw ay mabubusog;

87
Mga Konsepto ng TaludtodPaninibughoDiyos, Paninibugho ngDiyos ay SumasainyoPapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

Sapagka't ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo, ay isang mapanibughuing Dios; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo, at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa.

95
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo, gaya ng sinalita ng Panginoon.

113
Mga Konsepto ng TaludtodEmperyoPaniniil, Ugali ng Diyos laban saKamay ng DiyosGrupo ng mga AlipinDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak: Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto, at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay.

121
Mga Konsepto ng TaludtodMonoteismoIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyos

Huwag kang susunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bansang nasa palibot mo;

134
Mga Konsepto ng TaludtodHinaharapTakot sa PanginoonPaano Mabuhay ng MatagalBantayog

Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at upang ang iyong mga araw ay lumawig.

149

At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at panggiba, sa Egipto, kay Faraon, at sa kaniyang buong sangbahayan, sa harap ng aming mga mata:

154
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiKahuluganAng Hinaharap

Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin: Anong kahulugan ng mga patotoo, at ng mga palatuntunan, at ng mga kahatulan, na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios?

156
Mga Konsepto ng TaludtodPanata ng DiyosPagsasagawa ng TamaPagsasagawa sa Bagay na MabutiPagsasagawa ng Mahusay

At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon: upang ikabuti mo, at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang,

191
Mga Konsepto ng TaludtodEtika at BiyayaKasipagan, Ang Pansin ngKasipaganPatotoo, MgaTuparin ang Kautusan!BantayogKautusan

Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo.

197
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipitagan at PagpapalaTakot sa Diyos, Kahihinatnan ngNagpapanatiling ProbidensiyaPagpipitagan sa DiyosPagpapala sa PagsunodMatakot sa Diyos!Tuparin ang Kautusan!NakaligtasPagpapanatili

At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito.

209
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainLupain, Espirituwal na Aspeto ngGatasDiyos na Nagpaparami sa mga TaoGatas at Pulot

Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

253

At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang.

469
Mga Konsepto ng TaludtodHinuhaPagpapatunay sa Pamamagitan ng PagsubokPagsubokSubukan ang DiyosTuksoPagsubok, Mga

Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.