Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 13

Exodo Rango:

71
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng DiyosPaghingiAno ba ito?Grupo ng mga AlipinPagtuturo sa mga BataDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At mangyayari, na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin, Ano ito? na iyong sasabihin sa kaniya: Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

79
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasan, Bunga ngKamatayan ng mga PanganayDiyos na PumapatayLalake na mga HayopAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayPaghahadlang sa Gawain ng DiyosDiyos na Pumapatay sa mga TaoIpinaguutos ang Pagaalay

At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon, ay pinatay ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop: kaya't aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake; nguni't lahat ng panganay ng aking anak ay aking tinutubos.

100
Mga Konsepto ng TaludtodNooKalakasan ng DiyosTatak sa mga Tao, MgaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto.

129
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalPagdating sa Dagat na PulaDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa IlangMakalupang Hukbo

Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula: at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto.

175
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampoKampo ng IsraelPagkakampo sa Panahon ng Exodo

At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang.

234
Mga Konsepto ng TaludtodObeliskoSa Isang Umaga

Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.

313
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa Pakikitungo sa TaoDiyos, Pagbisita ngButo, MgaMga Taong Tali ng Panata

At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo.

354
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Sanhi ngMga Taong Nagbabago ng Kanilang IsipanPagbabalik sa SinaunaPrinsipyo ng Digmaan, MgaIsipan, Laban ngBagabag at Kabigatan

At nangyari, nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon, na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo, bagaman malapit; sapagka't sinabi ng Dios, Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka, at magsipagbalik sa Egipto:

460

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

578
Mga Konsepto ng TaludtodPagdiriwang, MgaKamay ng DiyosKasaysayanLebaduraKalakasan ng DiyosUmali sa EhiptoGrupo ng mga AlipinPangaalipin

At sinabi ni Moises sa bayan, Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito, wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura.

594
Mga Konsepto ng TaludtodNooSeremonyaDiyos, Kapangyarihan ngKamay ng DiyosLabiKalakasan ng DiyosTatak sa mga Tao, MgaPagsasalita na Galing sa DiyosAng Kautusan ay IpinahayagDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto.

654
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang LalakePagtuturo sa mga BataNagsasabi tungkol sa Diyos

At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon, na iyong sasabihin: Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako'y umalis sa Egipto.

671
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBuwan, UnangBuwan, Mga

Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib.

675
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaBawat Taon

Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon.

693
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainLupain bilang Kaloob ng DiyosLupain, Espirituwal na Aspeto ngGatas at PulotTuntunin para sa PaskuwaMayamang PagkainTaggutom

At mangyayari, na pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Hebreo, at ng Jebuseo, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, na ibibigay sa iyo, na lupang binubukalan ng gatas at pulot ay iyong ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito.

703
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusan sa Bawat ArawKalasinTuntunin tungkol sa Pagpatay sa mga HayopTinubos

At bawa't panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero; at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.

736
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikapitong Araw ng LinggoAraw, IkapitongAnibersaryo

Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon.

745
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngSinapupunanPagtatalagaBinubuksan ang Bahay-BataMga Taong Nakatalaga sa Diyos

Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata, at bawa't panganay na mayroon ka na mula sa hayop; ang mga lalake, ay sa Panginoon.

755

At mangyayari, pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, gaya ng isinumpa sa iyo at sa iyong mga magulang, at pagkabigay niyaon sa iyo,

791
Mga Konsepto ng TaludtodPista ng Tinapay na Walang Lebadura

Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw, at huwag makakakita sa iyo, ng tinapay na may lebadura, ni makakakita ng lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan.