30 Talata sa Bibliya tungkol sa Buhay Pananampalataya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayPablo, Katuruan niWalang Hanggang Buhay, Karanasan saHindi KamunduhanCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Tugo ng Diyos saDiyos, Pagkakaisa ngPananatili kay CristoHindi AkoJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagiging Ganap na KristyanoPagiisaKatubusanMalusog na Buhay may AsawaBuhay na Karapatdapat IpamuhayKapalitPagibig, Katangian ngKinatawanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngPagdidisipulo, Halaga ngKahulugan ng PagkabuhayKamatayan sa SariliUriPagpatay ng Sariling LayawPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPagkamatay kasama ni CristoSarili, Paglimot saSumusukoPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoDiyos, Ipinaubaya ngPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPatay sa KasalananKasalanan, Pagiwas saJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhayPagpako kay Jesu-CristoPagtanggap kay CristoPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Genesis 17:1

At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

Isaias 43:19

Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang.

Isaias 35:8

At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.

Isaias 48:17

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

Kawikaan 15:10

May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.

Mga Gawa 14:16

Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.

Mga Taga-Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Awit 1:1-2

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Jeremias 2:17

Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

Mga Paksa sa Buhay Pananampalataya

Katiyakan sa Buhay Pananampalataya

Deuteronomio 9:3

Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a