Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 14

Exodo Rango:

93
Mga Konsepto ng TaludtodHimala, Tugon sa mgaIunatPagkakahati ng TubigTuyong LupaTubig na NahatiPagdating sa Dagat na Pula

At itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.

119
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpapatigas ng PusoMga Taong Sumusunod sa mga Tao

At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.

177

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

209
Mga Konsepto ng TaludtodIyong Malalaman na Ako ang Panginoon

At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.

255
Mga Konsepto ng TaludtodLiwanag, KaraniwangBanal na Pagiingat, Halimbawa ngNakatayo sa MalayoDarating sa Pagitan ngLiwanag sa DaigdigPagkakampo sa Panahon ng Exodo

At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.

292
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay sa IlangPosibilidad ng KamatayanIwan nyo KamiNaglilingkod sa mga SamahanPagkamatay sa DisyertoPangaalipinHindi Talagang Nagiisa

Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.

366
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, MgaPagmamanehoDiyos na HumahadlangMabigat na Gawain

At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.

388
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonSibil na KalayaanDalampasiganKamatayan ng ibang Grupo

Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.

393
Mga Konsepto ng TaludtodPagtustos ng DiyosTalinghagang Pader

At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.

401
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging TakotPagliligtas, Paraan ngKatahimikanHindi Nakikita ang mga TaoHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongTakot, Walang

At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.

416
Mga Konsepto ng TaludtodKabalyerya

At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.

418
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipigilLagay ng Panahon, Paghahari ng Diyos saIunatPagkakahati ng TubigMula sa SilanganDiyos na Nagsusugo ng HanginTubig na NahatiTubig, NahahatingDaan sa Gitna ng DagatAng Dagat ay NahatiBagay na Nagbago, MgaAng KaragatanAng KaragatanAng Silangang Hangin

At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi.

452
Mga Konsepto ng TaludtodIunatPagdating sa Dagat na Pula

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.

457
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Pinagmulan ngKawalang-Pagasa, Halimbawa ngPasulongHindi NananalanginIlagay sa Isang LugarPaglipat sa Bagong Lugar

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.

458
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhan, Halimbawa ngGabiObeliskoPagpapakita ng Diyos sa ApoyDiyos na Nakikita ang MasamaPagkatuliroUlap, MgaSandatahang-Lakas

At nangyari, sa pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.

485
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngIunatMadaling ArawMga Taong TumatakasSa Pagbubukang Liwayway

At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.

488
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonTagapagbantay, MgaBanal na KapahayaganLangit at mga AnghelAnghel, Tulong ng mgaAnghel ng Panginoon, AngObeliskoDiyos na Mauuna SaiyoPagkakampo sa Panahon ng ExodoAnghel, Patnubay ng mgaGalaw at Kilos

At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:

501
Mga Konsepto ng TaludtodMoises, Buhay niTalinghagang PaderPaglalakad sa Gitna ng TubigTuyong Lupa

Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.

504
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisa, Mga Halimbawa ngUmiiyak sa DiyosTakot sa Ibang mga Tao

At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon.

535
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagbabago ng Kanilang IsipanIsrael, Tumatakas angNagsasabi tungkol sa Kilos

At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?

604
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo sa Panahon ng ExodoPagdating sa Dagat na Pula

Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.

608
Mga Konsepto ng TaludtodKapalaluan, Bunga ngWalang NakaligtasSinisirang mga KarwaheKamatayan ng ibang Grupo

At ang tubig ay nagsauli, at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.

652
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasDiyos bilang ManunubosKalayaan ng KaloobanDiyos, Pahayag ngKahirapan ng mga MasamaHari, MgaPagkakakilala sa DiyosPaglalakbayDiyos na Nagpapatigas ng PusoIyong Malalaman na Ako ang Panginoon

At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.

674
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaKabayo, MgaKabalyeryaNaabutanPagdating sa Dagat na Pula

At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.

712
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosPagkamatay sa IlangPosibilidad ng KamatayanAnong Iyong Ginagawa?

At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?

722
Mga Konsepto ng TaludtodPinatigas na mga PusoKatapangan sa Harap ng mga TaoPusong Makasalanan at TinubosMatigas ang UloDiyos na Nagpapatigas ng PusoPagiging Malakas

At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.

776
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesAnim hanggang Pitong DaanAnimnaraan at Higit Pa

At siya'y nagdala ng anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.

783
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanIpinipinid ang PintoPaglalagalag

At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.

852
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanda sa Paglalakbay

At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan: