Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 10

Ezekiel Rango:

56
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SulokHindi LumilikoHilaga, Timog, Silangan at KanluranApat na GilidTuntunin

Pagka nagsisiyaon, ay nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon, kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon.

85
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanGulong, MgaMata sa PropesiyaKerubim

At ang kanilang buong katawan, at ang kanilang mga likod, at ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay puno ng mga mata sa palibot, sa makatuwid baga'y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat.

94
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, MgaLumiligid

Tungkol sa mga gulong, tinawag sa aking pakinig, ang nagsisiikot na mga gulong.

123
Mga Konsepto ng TaludtodMakalangit na mga MukhaAgilaNilalang na Katulad ng mga LeonApat na Ibang BagayGaya ng mga LalakeKerubim

At bawa't isa'y may apat na mukha: ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao, at ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila.

142
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, MgaAnghel, Bagwis ngTaong may mga Bagay, MgaNilalang na PumapaitaasIbang Nilalang na UmaakyatKerubim

At nang magsiyaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila: at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa, ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila.

143
Mga Konsepto ng TaludtodKosmikong mga NilalangNilalang na PumapaitaasIbang Nilalang na UmaakyatKerubim

At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar.

145
Mga Konsepto ng TaludtodKulay, Asul naAlahasTheopaniyaTronoKerubim sa Trono ng DiyosMahahalagang BatoAng KalawakanKalawakan

Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan.

151
Mga Konsepto ng TaludtodKosmikong mga NilalangNakikilala ang mga Tao

Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin.

164
Mga Konsepto ng TaludtodHindi GumagalawPagdating sa KapahingahanNilalang na PumapaitaasIbang Nilalang na UmaakyatEspiritu ng mga Nilalang

Pagka sila'y nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka sila'y nangapaiitaas, ang mga ito'y nangapaiitaas na kasama nila: sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon.

208
Mga Konsepto ng TaludtodKerubim, Paglalarawan saAnghel, Bagwis ngTunogDiyos, Tinig ngKerubim

At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita.

209
Mga Konsepto ng TaludtodLinoGulong, MgaKerubim

At siya'y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin, at ikalat mo sa bayan. At sa aking paningin ay pumasok siya.

217
Mga Konsepto ng TaludtodManingning na Kaluwalhatian ng DiyosPagpapakita ng Diyos sa PintuanKerubim

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumabas mula sa pintuan ng bahay, at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin.

218
Mga Konsepto ng TaludtodMakalangit na mga MukhaHindi Lumiliko

At tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar, ang kanilang mga anyo at sila rin; sila'y yumaon bawa't isa na patuloy.

222
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngPagdating sa TarangkahanHindi GumagalawPagdating sa KapahingahanAnghel, Bagwis ngSilangang PasukanTaong may mga Bagay, MgaNilalang na PumapaitaasIbang Nilalang na Umaakyat

At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin, nang sila'y magsilabas, at ang mga gulong ay sa siping nila: at sila'y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila.

227
Mga Konsepto ng TaludtodAlahasMahahalagang BatoApat na SuhayGulong, MgaMakislapKerubim

At ako'y tumingin, at narito, apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin, isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin, at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong berila.

231
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Kamay ng mgaMakalangit na mga MukhaAnghel, Bagwis ngMga Tao, Pareparehas angApat na Ibang BagayGaya ng mga Lalake

Bawa't isa'y may apat na mukha, at bawa't isa'y may apat na pakpak; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak.

240
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang SantuwaryoSilid sa Templo

Ang mga kerubin nga ay nagsitayo sa dakong kanan ng bahay, nang ang lalake ay pumasok; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban.

242
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngTheopaniyaAng Banal na Espiritu sa IglesiaPuspusin ang SantuwaryoPagpapakita ng Diyos sa PintuanDiyos ng LiwanagSilid sa TemploKerubimUlap ng Kaluwalhatian

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin, at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay; at ang bahay ay napuno ng ulap, at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon.

245
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, Mga

At nangyari, nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na sabihin, Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin, na siya'y pumasok, at tumayo sa tabi ng isang gulong.

274

At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin, at kumuha niyaon, at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino, na siyang kumuha at lumabas.

285
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Kamay ng mgaAnghel, Bagwis ngGaya ng mga LalakeKerubim

At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.

297
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, MgaMagkatulad na mga BagayPagpapakita ng

At tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may isang pagkakawangis, na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong.