Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 9

Ezekiel Rango:

38
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaGantimpala ng DiyosAng Igagawad sa MasamaDiyos na Ginawang Dumami ang KasamaanDiyos na Walang HabagHindi NagkakaitKahabaghabag

At tungkol sa akin naman, ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulatKami ay Susunod

At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin.

288
Mga Konsepto ng TaludtodBerdugoYaong mga MangwawasakDiyos, Tinig ngPapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay.

310
Mga Konsepto ng TaludtodPapatayin ng Diyos ang Kanyang BayanHindi NagkakaitMga Taong Sumusunod sa mga TaoHuwag Magpakita ng AwaKahabaghabag

At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag;

313
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na TaoPagdating sa TarangkahanNakaharap sa HilagaPagsusulat sa isang BagaySandata ng DiyosNahahanda Itayo ang Tansong DambanaParusang Kamatayan laban sa Pagpatay

At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana.

329
Mga Konsepto ng TaludtodHipuinSinimulang GawainPapatayin ng Diyos ang Kanyang BayanPangaabuso sa BataAng Matatanda

Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.

331
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngKaluwalhatian, Pahayag ngBanal na KapahayaganKerubim, Tungkulin ngKaluwalhatian ng Diyos sa IsraelManingning na Kaluwalhatian ng DiyosPagpapakita ng Diyos sa PintuanKerubim

At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.

336
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Sanhi ngKabuktutanDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos na Hindi NakakakitaPagpatay sa Maraming TaoPagkakasala ng Bayan ng DiyosManlillibak

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay puno ng dugo, at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon.

339
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong sa DiyosPagpapatirapaNalabiNakaligtas, Mga Winasak

At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem?

366
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang SantuwaryoLumabasDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa Kanyang BayanSilid sa Templo

At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan.

379
Mga Konsepto ng TaludtodNooTatak, MgaKalungkutanHindi MaligayaTatak sa mga Tao, MgaPagsisisi sa mga KasuklamsuklamBagabag at Kabigatan

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.