Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 11

Ezekiel Rango:

41
Mga Konsepto ng TaludtodAlinsunodTinutularan ang mga Masasamang TaoAno ba ang Ginagawa ng mga BanyagaIyong Malalaman na Ako ang PanginoonHindi Nila Tinupad ang mga Utos

At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.

62
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiNakaligtas, Mga WinasakIyak ng mga Nagigipit sa Diyos

At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?

78

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

84
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryoDiyos na Nagpangalat sa IsraelMalayo mula ritoPagaalis ng mga Tao sa iyong Buhay

Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.

96

Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.

102
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa mga Israelita

Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.

135
Mga Konsepto ng TaludtodPagsisisi sa mga KasuklamsuklamPagaalis ng mga Tao sa iyong Buhay

At sila'y magsisiparoon, at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.

144
Mga Konsepto ng TaludtodGantimpala ng DiyosBunga ng KasalananAng Igagawad sa MasamaDiyos na Ginawang Dumami ang Kasamaan

Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.

147
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngKinasihan ng Espiritu Santo, Paraan naPropesiyang PangitainAng Espiritu ng DiyosDiyos na Nagtataas sa mga TaoPangitain mula sa Diyos

At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.

149
Mga Konsepto ng TaludtodPagbangon, Katangian ngAko ay Kanilang Magiging DiyosTuparin ang Kautusan!

Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.

160
Mga Konsepto ng TaludtodSinasakopPasukan sa TemploNakaharap sa SilanganDiyos na Nagtataas sa mga TaoDalawangpu, Ilang

Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.

169
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bumabangon ang

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.

178
Mga Konsepto ng TaludtodGulong, MgaAnghel, Bagwis ngKerubim

Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.

185
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngKaalaman ng Diyos sa mga TaoPagkakalantad ng KasalananAng Espiritu ng PanginoonTao, Isipan ngKaisipan ng MasamaDiyos na Alam ang Laman ng Puso

At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.

220
Mga Konsepto ng TaludtodKalderoPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanPaglulutoPalayokHanggananMalapitan

Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;

226
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Diyos

Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.

229
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap mula sa mga BanyagaPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.

236
Mga Konsepto ng TaludtodHangganan

Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

244
Mga Konsepto ng TaludtodKalderoHindi NapapanahonHindi ang Itinakdang PanahonPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanDamoPaglulutoPalayok

Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.

248
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang BalakMasamang mga KathaAng Pagpasok ng Kasalanan

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;

261
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga LugarKalye, MgaPaglago ng KasamaanPagpatay sa mga IsraelitaPagpatay sa Maraming Tao

Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.

264
Mga Konsepto ng TaludtodKalderoPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanPagpatay sa mga Israelita

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.

266
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya!

Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.

280
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang Bagay

Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.