Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 4

Ezekiel Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodIsang ArawIsang TaonIsangdaang taon at higit paTakdang Aralin

Sapagka't aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo'y isang bilang ng mga araw, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw: gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel.

63
Mga Konsepto ng TaludtodBisig LamangPagsalakay sa Jerusalem ay IpinahayagPropesiya!

At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas; at ikaw ay manghuhula laban doon.

65
Mga Konsepto ng TaludtodBinaligtadTinataliTao, Natapos Niyang Gawa

At, narito, ipinaglalagay kita ng lubid, at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila, hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob.

157
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadLikhang-Sining, Uri ngTapyas ng BatoLuwad, Gamit ng

Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga'y ng Jerusalem.

161
Mga Konsepto ng TaludtodKeykPagbabawas ng DumiPagluluto ng TinapayDumi para PampaningasPaglulutoTae

At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada, at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin.

165
Mga Konsepto ng TaludtodTimbang ng Ibang mga BagayTimbang

At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang, dalawang pung siklo isang araw: araw-araw ay iyong kakanin.

180
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng TubigUmiinom ng TubigWalang Tubig para sa mga TaoSukat

At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal, na ikaanim na bahagi ng isang hin: araw-araw ikaw ay iinom.

206
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramang PagkakasalaKapalitPagkakasala ng Bayan ng Diyos

Bukod dito'y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon, magdadanas ka ng kanilang kasamaan.

211
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaBibig, MgaKabataanHayop, Biniyak na mgaPagiging Masigasig mula PagkaBataKamatayan ng lahat ng NilalangBangkay ng mga HayopMga Taong Hindi MalinisIpinagbabawal na Pagkain

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.

215
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon, Mga Tao saMaruming Bagay, MgaTae

At sinabi ng Panginoon, Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay, sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila.

250
Mga Konsepto ng TaludtodBinaling mga PatpatUmiinom ng TubigTaggutom, Darating naTakot na DaratingMga Taong NagulatTaggutom na DaratingPagkabalisa at TakotKawalang-PagasaTimbang

Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay:

258
Mga Konsepto ng TaludtodNasayangTaggutom, Darating naWalang Tubig para sa mga TaoKasalanan ay Nagdadala ng KaramdamanTaggutom na Darating

Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.

275
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag, LiteralTrosong PanggibaKutaPagsalakay sa Jerusalem ay Ipinahayag

At kubkubin mo, at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot.

283
Mga Konsepto ng TaludtodBaka, MgaDumi at Pataba, MgaPagbabawas ng DumiDumi para PampaningasPaglulutoTae

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo'y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao, at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon.

284
Mga Konsepto ng TaludtodBakalTanda mula sa Diyos, MgaPagkakahiwalay mula sa DiyosPlato, MgaBakal na mga BagayPagsalakay sa Jerusalem ay Ipinahayag

At magdala ka ng kawaling bakal, at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan: at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon, at makukubkob, at iyong kukubkubin. Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel.

335
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung ArawPagsasagawa ng Dalawang UlitIsang ArawHigit sa Isang Buwan40 hanggang 50 mga taonPasanin ang KasalananIba pang Tamang BahagiPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo.

381
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoGulayMunggoIsang TaonTinapayNutrisyon

Magdala ka rin ng trigo, at ng cebada, at ng habas, at ng lentejas, at ng mijo, at ng espelta, at ilagay mo sa isang sisidlan, at gawin mong tinapay; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw, iyong kakanin yaon.