Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 3

Ezekiel Rango:

18
Mga Konsepto ng TaludtodPamamagitanPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.

49

Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel;

72
Mga Konsepto ng TaludtodHangal, sa Turo ni Jesu-CristoHangal, Katangian ngPagwawalang-BahalaPakikinigKatangian ng MasamaKatangian ng PusoKatotohanan gaya ng Diyos

Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob.

73
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TalinoHindi Nauunawaan ang Wika

Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon.

90
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpapatigas ng PusoTagumpay at PagsusumikapKinakabahan

Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo.

95
Mga Konsepto ng TaludtodNooPuyusanMineral, MgaPaghihimagsik ng IsraelKatigasanDiyos na Nagpapatigas ng PusoBato, Mga KasangkapangHuwag Matakot sa Tao

Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

110
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Diyos!Pakikinig sa Diyos

Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig.

112
Mga Konsepto ng TaludtodPagkaPanginoon ng Tao at DiyosMga Taong IpinataponPakikinig sa Taung-BayanPagsasalita na Galing sa Diyos

At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.

114
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabantay ng mga PinunoPananagutan sa Dumanak na DugoDiyos na Humahatol sa MasasamaTungkulin na Magbigay BabalaDugoKaparusahan ng MasamaPananagutanPagbabago ng Sarili

Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

115
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bumabangon angDiyos na Nagtataas sa mga TaoTunog

Nang magkagayo'y itinaas ako ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako.

121
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusan ng mga Araw

At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

137
Mga Konsepto ng TaludtodAnak ng TaoMga Aklat, Talinghagang GamitPagsasalita na Galing sa Diyos

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.

138
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosEspiritu, Kalikasan ngKamay ng DiyosDiyos na Nagtataas sa mga TaoKamay ng Diyos sa mga TaoKapaitanPagsasaayos ng Kaguluhan

Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin.

153
Mga Konsepto ng TaludtodTumalikod, Hatol sa mgaKasalananMatuwid, AngNatitisodPananagutanPananagutan sa Dumanak na DugoBabala sa mga TaoDiyos na HumahadlangKung Magbabalik-Loob Kayo sa DiyosTungkulin na Magbigay BabalaPananagutan

Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

154
Mga Konsepto ng TaludtodPakpakGulong, MgaAnghel, Bagwis ngHipuin ang Banal na mga BagayTunog

At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong.

155
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaLinggo, MgaMga Taong NagulatIlog bilang Lugar Panalangin

Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw.

162
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng mga MasamaPinapanatili ang Sarili na BuhayMagsisi kung hindi ay Mamamatay KaPagkamatayPananagutanKasamaanKaluluwaMga Tao

Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.

189
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngPaghahandang EspirituwalKaluwalhatian ng Diyos sa Israel

Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob.

191
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKamay ng Diyos sa mga TaoDiyos na Nagsasalita

At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo.

207
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatili ang Sarili na BuhayBabala sa mga Tao

Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.

214
Mga Konsepto ng TaludtodTiyanLasaKatamisanPuspusin ang mga TaoMga Aklat sa Propesiya

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.

221
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi NagkukusaPagsasalita Gamit ang BibigPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng DiyosPakikinig sa DiyosPaghihimagsik

Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

232
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat sa PropesiyaKumakain gamit ang Bibig

Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.

241
Mga Konsepto ng TaludtodIpinipinid ang PintoPagpasok sa mga KabahayanDiyos na Nagtataas sa mga Tao

Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay.

251
Mga Konsepto ng TaludtodPagkapipiDilaPagkapipiPaguugnay ng Laman at ButoPipi

At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

252
Mga Konsepto ng TaludtodTinatali

Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila.

348
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabantay ng mga PinunoTagapagbantayPanawagang Gawain

Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.