Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 8

Ezekiel Rango:

45
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan at Nakikita

At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito.

54
Mga Konsepto ng TaludtodSiningKabahayan, Mga

Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot.

71
Mga Konsepto ng TaludtodInsensaryoInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPitumpu

At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.

105
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanBuwanPasukan sa TemploHilagang TarangkahanKababaihang Gumagawa ng MaliTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.

113
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaAltarLihim na mga KasalananPagtatago ng KasalananDiyos na Hindi NakakakitaGumagawa ng LihimMinamasdan at NakikitaManlillibakMatatanda, Mga

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa.

124
Mga Konsepto ng TaludtodPaglago ng Kasamaan

Sinabi rin niya sa akin, Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa.

163
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang RelihiyonPagyukodAng ArawKarumihan, MgaAnimismo, Pagsamba sa KalikasanTumalikodNakaharap sa SilanganPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanDalawangpu, IlangPagsamba sa ArawSilid sa TemploArawNananambahan sa DiyosAraw, Sikat ngFootballPagtalikod sa PananampalatayaIslam

At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.

166
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan sa LupaDiyos, Paghihirap ngYamutin ang DiyosKakauntiPagsasagawa ng Paulit-ulitMinamasdan at NakikitaMapanggulong mga Tao

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.

186
Mga Konsepto ng TaludtodPaglago ng KasamaanMinamasdan at Nakikita

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito.

200
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadBuwanKamay ng DiyosBuwan, Ikaanim naNauupo sa PaananKamay ng Diyos sa mga TaoAng Pagtitipon ng mga MatatandaAng Matatanda

At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon.

203
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigIyak ng mga Nagigipit sa DiyosDiyos na Walang HabagHindi NagkakaitGalit at PagpapatawadKahabaghabag

Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin.

224
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngPag-alis ng Kaluluwa sa KatawanKamay ng DiyosPasukan sa TemploNakaharap sa HilagaDiyos na Nagtataas sa mga TaoPangitain mula sa DiyosDiyos na Laban sa IdolatriyaIba pang mga Talata tungkol sa BuhokSilid sa TemploPanloob na KagandahanBuhokBuhol-buhol na Buhok

At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho, na namumungkahi sa paninibugho.

286
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain at mga Panaginip sa KasulatanDiyos ng LiwanagKulayBahaghari

Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga.

292
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaSinasakopPasukan sa TemploHilaga ng DambanaDiyos na Laban sa Idolatriya

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan.

294
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kaluwalhatian ngKaluwalhatian, Pahayag ngKaluwalhatian ng Diyos sa Israel

At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan.

298
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang mga PaderPagdating sa TarangkahanSilid sa TemploAng Matatanda

At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader.

299
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryoKasalanan, Naidudulot ngPaglago ng KasamaanDiyos na Nasa MalayoKasuklamsuklam

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam.

315
Mga Konsepto ng TaludtodPaghuhukayGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang mga Pader

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan.