Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 44

Genesis Rango:

647
Mga Konsepto ng TaludtodPantay-pantay na Mamamayan

Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon.

704
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Mabilang na Halaga ng Pera

At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong.

1192

Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.

1199
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging NatuklasanPagpapawalang-sala sa Matuwid

At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.

1209
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Pangangailangan ngJacob, ang kanyang Buhay at KatangianMasamang PalagayKaisa-isahang NakaligtasKamatayan ng mga Hindi Pinangalanang TaoYaong mga NagmahalHalimbawa ng Pagibig sa mga Anak

At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

1263
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganSheolPinahihirapan hanggang KamatayanKulay Abo

At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan.

1271
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pinakabatang AnakHindi Mabilang na Halaga ng Pera

At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose.

1299
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukod sa Harapan ni Jose

At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

1314
Mga Konsepto ng TaludtodAlangalang sa IbaKapatid sa Ina o Ama

Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.

1320
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapan hanggang KamatayanKulay AboHindi Matagpuan Saanman

Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama.

1336
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.

1349
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobMga Taong Hindi MalayoGinagantihan ang Masama ng Mabuti

Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?

1410
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Matagpuan SaanmanYaong mga Nagmahal

Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;

1414
Mga Konsepto ng TaludtodGarantiyaKaligtasanWalang Hanggang Kasamaan

Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.

1420
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Anak

At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake:

1421
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging NatuklasanHindi SaklawHuwag Na Mangyari!

At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.

1436
Mga Konsepto ng TaludtodPagnanakawHindi Mabilang na Halaga ng Pera

Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto?

1437
Mga Konsepto ng TaludtodHindi sa mga Tao

Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

1469
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Iyong Ginagawa?

At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?

1485
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanPananamitYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan.

1492
Mga Konsepto ng TaludtodMadaling ArawSa Pagbubukang Liwayway

At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.

1496
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NagkapirapirasoHindi Nakikita ang mga Tao

At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.

1497
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapatidPasimulaPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayPaghahanap sa mga Bagay

At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.

1500
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Na Mangyari!

At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay.

1501
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutan

At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito.

1505
Mga Konsepto ng TaludtodPagpayag na Patayin

Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.

1507
Mga Konsepto ng TaludtodHindi sa mga Tao

At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.

1517
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakita sa mga Tao

At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

1523
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanong ng Partikular na Bagay

Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?

1525
Mga Konsepto ng TaludtodGinawang mga AlipinHindi Saklaw

At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala.

1527
Mga Konsepto ng TaludtodHindi sa mga Tao

At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.

1528
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili ng Pagkain

At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.

1531
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang mga SisidlanNagmamadaling HakbangIbinababa ang mga Bagay

Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong.

1532
Mga Konsepto ng TaludtodPosibilidad ng KamatayanMga Tao na Tinalikuran ang mga Tao

At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya.