Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 45

Genesis Rango:

452
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaGrupong PinaalisMga Taong NakilalaPagkakakilanlan

Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid.

668
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga Banal, Halimbawa ngPinapanatiling Buhay ng DiyosTauhang Nagliligtas ng Iba, MgaPagkakakilanlanPagpapanatili

At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.

702
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay ItoPagkakakilanlan

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako'y si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto.

846
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiPagsagipPagtakas sa KasamaanNakaligtas sa Israel, MgaTauhang Nagliligtas ng Iba, MgaPagkakakilanlanPangalagaan ang DaigdigPagliligtas

At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.

895
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Tagumpay laban saGobernadorTagapamahala, MgaPagtataasEspirituwal na mga AmaDiyos na Nagsusugo ng mga PropetaGawa ng DiyosProbidensya ng Diyos sa mga PangyayariPagkakakilanlanPagkakakilanlan kay Cristo

Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.

901
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Lagay ng Damdamin saMaysala, Takot ngAko ay ItoNamumuhay ng PatuloyIba pa na Hindi SumasagotTakot sa Isang TaoPagkakakilanlan

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Ako'y si Jose; buhay pa ba ang aking ama? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya: sapagka't sila'y nagugulumihanan sa kaniyang harap.

1102
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganBalita

At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Nagsidating ang mga kapatid ni Jose: at ikinalugod ni Faraon, at ng kaniyang mga lingkod.

1132
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Mabuting Halimbawa ngMga Taong NaantalaPinagmamadali ang Iba

Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto: pumarito ka sa akin, huwag kang magluwat.

1145
Mga Konsepto ng TaludtodMga ApoNamumuhay sa LupaKapwaDayuhan, MgaLupain

At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen, at malalapit ka sa akin, ikaw at ang iyong mga anak, at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga kawan, at ang iyong mga bakahan, at ang iyong buong tinatangkilik.

1166
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang TaonLimang TaonNagbubungkal ng LupaHindi Inaani ang Iyong ItinanimPagkakakilanlan

Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man.

1170
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanTaba ng mga HayopMasagana sa EhiptoLupain

At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan, at pumarito kayo sa akin: at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto, at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain.

1207
Mga Konsepto ng TaludtodPamilya, Katangian ngMagkapatid

Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid, at sila'y yumaon: at kaniyang sinabi sa kanila, Huwag kayong magkaaalit sa daan.

1219
Mga Konsepto ng TaludtodPagbangon, Personal naPagbangon

At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose, na kaniyang sinabi sa kanila: nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya, ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama.

1286
Mga Konsepto ng TaludtodKasuotanKaloob, MgaLimang BagayMga Taong Nagbibigay ng DamitEspisipikong Halaga ng Pera

Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga pangpalit na bihisan; nguni't kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak, at limang pangpalit na bihisan.

1295
Mga Konsepto ng TaludtodNahimatayHindi Nananampalatayang mga TaoNamumuhay ng Patuloy

At kanilang isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Egipto. At ang kaniyang puso ay nanglupaypay, sapagka't di niya pinaniwalaan sila.

1302
Mga Konsepto ng TaludtodLeeg, MgaPagbati

At siya'y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin, at umiyak; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg.

1327
Mga Konsepto ng TaludtodBago MamatayNamumuhay ng Patuloy

At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay.

1333
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilanlan

At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon.

1335

At sila'y sumumpa mula sa Egipto, at naparoon sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama.

1389
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikPagibig sa Kapwa, Halimbawa ngPakikipagusap

At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid.

1424
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Sanhi ngLimang TaonMga Taong NagbibigayPag-Iwas sa Kahirapan

At doo'y kakandilihin kita; sapagka't may limang taong kagutom pa; baka ikaw ay madukha, ikaw at ang iyong sangbahayan, at ang lahat ng iyo.

1432

At sinabi ni Faraon kay Jose, Sabihin mo sa iyong mga kapatid, Ito'y gawin ninyo: pasanan ninyo ang inyong mga hayop, at kayo'y yumaon, umuwi sa lupain ng Canaan;

1448
Mga Konsepto ng TaludtodSampung mga HayopNapakaraming Asno

At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto, at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan.

1454
Mga Konsepto ng TaludtodLumilingonPagmamay-ari, Mga

Huwag din ninyong lingapin ang inyong pag-aari; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo.

1458
Mga Konsepto ng TaludtodKaritonKariton

Ngayo'y inuutusan ka, ito'y gawin ninyo; kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata, at sa inyong mga asawa, at dalhin ninyo rito ang inyong ama, at kayo'y pumarito.

1475
Mga Konsepto ng TaludtodPinagmamadali ang Iba

At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto, at ang inyong buong nakita; at kayo'y magmamadali at inyong ibababa rito ang aking ama.

1488
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay ItoPagkakita sa mga Tao

At, narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo.

1495
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayMga Taong Nagbibigay Pagkain

At ginawang gayon ng mga anak ni Israel: at binigyan sila ni Jose ng mga kariton, ayon sa utos ni Faraon, at sila'y binigyan ng mababaon sa daan.