Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Habacuc 1

Habacuc Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakabaha-bahagiPagiging PalaawayPagkawasakKarahasan sa LupaPakikipaglaban sa Isa't IsaBakit ito Ginagawa ng Diyos?Kawalang Katarungan

Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.

6
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katarungan, Halimbawa ngPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanMatuwid, AngWalang KatarunganPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.

7
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaPadalus-dalos, PagkaNamumuhay sa mga KabahayanPrusisyonTinatanong ang DiyosKapaitan

Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila.

8
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang mga TaoMga Taong may KatuwiranDangal

Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili.

9
Mga Konsepto ng TaludtodLimitasyon ng LakasNatagpuang may SalaTao bilang mga Diyos

Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios.

10
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, MgaLeopardoPakpakIbon, Uri ng mgaPagsakay sa KabayoBilisAgilaLobo, MgaMga Taong mula sa Malayong LugarYaong mga Lumilipad

Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal.

11
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Walang HangganDiyos na ating BatoImortalidad sa Lumang TipanProbidensyaKanlunganBatuhanHindi NamamatayKamatayan na Naiwasan

Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.

12
Mga Konsepto ng TaludtodPagtawaNanlilibakUgali sa mga HariGinawang KatatawananPagkubkob sa mga KabundukanPagbibiro

Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop.

13
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatanKawalan ng PamahalaanWalang HariAng KaragatanIsda

At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila?

15
Mga Konsepto ng TaludtodBilanggo, MgaHanginPakikitungo sa mga TaoHinahanap na KarahasanBuhangin at Graba

Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin.

16
Mga Konsepto ng TaludtodNagpapatuloy na KasalananPagaalis ng LamanMga Taong Walang AwaWalang Tigil

Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa.

18
Mga Konsepto ng TaludtodNagagalak sa Tagumpay

Kaniyang binubuhat ng bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya.

20
Mga Konsepto ng TaludtodInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPanghuhuli ng IsdaNananambahan sa mga Materyal na Bagay

Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana.

55
Mga Konsepto ng TaludtodKamanghamanghaNanlilibakKasamaanPag-aalinlangan sa DiyosMinamasdan at NakikitaAno ang Ginagawa ng Diyos

Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo.